Maikling Tagalog na Tula
![]() |
Tag-ulan |
NGAYONG TAG-ULAN
ni: Kiko Manalo
Magdala ng kapote ngayong tag-ulan,
Sa sakit at sipon, magandang panlaban,
Sakto rin sa lahat ng kalalakihan,
Upang AIDS, STD sadyang maiwasan!
Payong naman para sa mga babae,
2-folds, 3-folds o kahit na iyong malaki,
Double purpose ito lalo na sa gabi,
Sa holdaper at rapist, pwedeng pang-garote!
SAWSAWAN
ni: Kiko Manalo
Ikinasal kahapon si Mama Sita,
Si Papa Ketsup po ang napangasawa,
Umiyak ang karibal ng masuwerteng binata,
Si Mang Tomas ito na nakakaawa!
Ang nagkasal po sa magkasintahan
Si Datu Puti na lider ng angkan,
Namroblema naman bisita sa handaan,
Sapagkat ang nakahain ay puro sawsawan!
KAHULUGAN SA TAGALOG
ni: Kiko Manalo
SALUMPUWIT ang tawag at kahulugan
Sa "chair" o "bangko" na silyang upuan,
At kung nagtatanong at naguguluhan,
Sa "wheelchair" ang tawag ay SALUMPO naman!
Ang tagalog word naman para sa "panty",
SALUNGGUHIT na siyang tugma sa babae,
At kung tatanungin ang "brief" ng lalaki
SALONGGANISA itong sa iyo'y masasabi! Read more...