Isang Halimbawa ng Tagalog na Tula
Halimbawa ng Tula sa Tuluyan
Ano ang tula sa tuluyan? Magbigay ng isang halimbawa sa tagalog. --- Sa simpleng paliwanag, ang tula sa tuluyan ay isang uri ng panitikan sa Pilipinas na paglalahad ng tula sa pamamagitan ng tuwiran o malayang taludturan na hindi kinakailangan ng sukat o tugma sa anumang bahagi ng akda. Ito ay nagtataglay ng madamdaming paglalarawan ng anumang tema na may kahalintulad sa isang sanaysay. Ngunit upang maiba naman sa sanaysay/essay, ang tula sa tuluyan ay kailangang magtaglay ng madamdaming kaisipan upang hindi mawalan ng gana ang sinumang bumabasa. Narito ang isang halimbawa ng isang tagalog na tula sa tuluyan.
NASA KANYANG MGA KAMAY
ni: Jerome Apilla
(Tungkol sa makata: Isang 4th year high school student na nais ibahagi sa iba ang kanyang mga tagalog na tula. Kasalukuyang nakatira sa Pililia, Rizal, Philippines kasama ang kanyang mga magulang.)Nagsisigaw sa bangketa
ng kalsada,
ang mga saksi
sa pangyayari.
Labas pati litid
na tila mapapatid.
Ngunit tila mapait,
Hindi kasi alam kung bakit.
Mapula ang dumanak na dugo
Ng pinatay na tao
Kasing tingkad din kaya
Ng kaniyang kaluluwa?
Naglakad lang sa kaye
Ang bumaril na lalaki
Tila namamasyal lamang
Sa gitna ng kawalan.
Binayaran siya
Ng barya-barya.
At binigyan din naman
Ng mga dahilan.
Upang labanan
Ang kalaban,
At para ituring na kalaban
Ang hindi naman niya kalaban
Kundi kalaban ng bayan.
Paliwanag o Paglalarawan ng Tagalog na Tula:
Sa mga saknong, madarama ang kasamaan sa isang kapaligiran. Makikita rito ang madalas na krimen at mga malalagim ng pangyayari na sukat ikabigla ng mga karaniwang mamamayan. Pinaigting ng makata ang imahinasyon ng bumabasa sa pamamagitan ng isang tagalog na tula sa tuluyan at pinaikot niya sa kanilang isipan ang mga tunay na kaganapan sa isang lipunan.
6 comments:
nice one!!!!!!!!!!!!!!
your tula is very nice!!!!!!!!!!!!!!!!!!..........
its very good!!!!!!!..........
Nice One ! ! ! ! !
good job...
nice!!!!!!!!!!!
Post a Comment