Halimbawa Ng Tulang Pasalaysay
Tagalog na Tula Tungkol sa Empleyada
Maraming tao ang pumapasok lamang sa trabaho upang kunin ang suweldo. Ang tanging iniisip ay ang makukuhang pakinabang at hindi ang matapos ang kanilang mga gawain. Ito ay isang halimbawa ng isang pasalaysay na tula sa tagalog.
ANG HUWARANG EMPLEYADO
ni: Sweet Lapuz
(Employee sa isang design firm sa Mandaluyong. Malayang tulad ng ibon, malawak na tulad ng panahon. )Late ng dumating sa opisina,
Itong huwarang empleyada,
Inuna muna ang tsika,
Sa katabi niyang kasama.
Pagkatapos ng tsismis
Tungkol sa showbiz,
Nagpulbos ng manipis
Sa mukhang malangis.
Pitong beses inulit-ulit
Ang paghalik ng lipistik,
Pitong ulit iginuhit
Ang kilay na malantik.
Alas diyes na impunto
Nang matapos magpolbo
Ng powder sa noo,
Break time na ng empleyado.
Nagpa-charming na inaya
Ang kasamang empleyada,
Nagteka-teka muna
Sa pagmemeryenda.
Naghudyat ang alas onse,
Saka pa lang inubos ang kape,
Habang daldal sa pagsasabi
Ng mga tsismis sa tabi.
Nang bumalik sa opisina,
Itinuloy ang istorya,
Ng kung sinong artista
Na bakla palang rumarampa.
Alas dose na nang matapos
Habang nagkapaos-paos,
Lunch naman ang idinaos
Kasabay ng kaniyang boss.
Nakaidlip sa kabusugan,
Ang mesa ay tinulugan,
Alas-dos ang nagisnan
Na panahon sa orasan.
Nagpahid lang ng laway,
At saka uli naglagay
Ng pinturang makulay
Sa mukhang hindi tunay.
Three o’clock habit
Nang computer ay ikabit,
Nagkonek sa internet:
Para Facebook ay ma-update.
Alas kuwatro kuwarenta’y singko,
Nang biglang pumasok sa ulo
Na mayroon palang trabaho
Na dapat na maareglo.
Aba, teka nga pala,
Alas singko na, iha!
Kailan mo na magagawa
Ang trabahong nakapila?
Heto nga’t katapusan na ng buwan
Sweldo na pala ng empleyadang huwaran
Akalain mo nga naman,
Nakaraos nang paganun-ganun lang!
Paliwanag o Paglalarawan ng Tagalog na Tula:
Isang pasalaysay na tula na naglalarawan ng isang pangyayari sa buhay ng isang empleyado. Ang tula ay may tugma ngunit walang sukat na taludtod at katangian.
15 comments:
patanong
Ang galing!!!!madaming ganyan :)
tama !!! sweldo lang ang
habol hindi man lang
gampanan ang tungkuli...
haiku alam niyo?
Tama! Sweldo lang ang ini isip.
gawa ka ulit ng tula............
..ang tmad tlaga!! yan ang mga taong hnd n dpat nbuhay p x mundo..wla rin amng gagawing matino x buhay,,heheehhe
papetiks petiks kc..
saktrue jd na xya ....sa ma pecon lng ...
sweldo lang ang habol... haha XD!!
Yung dati kong teacher dati d ganyan.. hanga ako sa kanya.. d nyahabol ang sweldo.. :) Bihira na lang mga ganun..
ganda ng ginawa ni sweet lapuz......... :-)
oo nga bihira na ngayon ang d naghahabol ng sweldo
ganyan karamihan mga empleyado sa gobyerno!!!!!
Dapat sa ganyan hinde nalang sweldohan
Post a Comment