Tula Sa Diyos na May 12 Pantig
(Halimbawa ng isang tula tungkol sa Diyos Ama)
![]() |
Aking Idolo Kahit Hindi ko Nakikita |
Tagalog na Tula - Hindi Bobo Ang Aking Idolo
ni: JML
Sa kinamulatan kong pugad sa mundo,
Ang kinagisnang tatak - itong IDOLO,
Sa kalsadang panay sama at siphayo,
Siya itong dulo sa daang baku-bako.
Sa luksong wikang malamig at bahaw,
Wala mang tunog ay pumapaibabaw,
Sa dusa at luha ay makakapagsayaw,
Pusong nakagapos ay maigagalaw!
Langitngit ng sahig nitong kalangitan,
Katalik ng kanyang yapak na tuntungan,
Sa kamay na ningning, kanyang tangan-tangan,
Ang buhay mo’t bukas pati kamatayan.
Alam itong lahat ng iyong gawain,
Mula sa umaga hanggang sa dumilim,
Ang kulay ng puso kung ito’y maitim,
Ililigtas niya at papuputiin.
Malalaman niya guhit nitong puso
Kahit pilitin mong ipakatago-tago,
Ang diwang mahalay at isip na liko,
Hindi malilingid hanggang sa pagyao.
Palisin sa diwa ang kapanabikan,
Na gumawa ng lilo’t mga kasamaan,
Mundong pagnanasa at tawag ng laman,
Iwasang mahulog sa imbing kasalanan.
Siya ang AMA ko, ang naging simula,
Nitong isang ako na nagmula sa wala.
At wakas din namang ang tungo’y kabila,
Kung mapugto na nga ang aking hininga!
Paglalarawan: Tula na may 12 labingdalawang pantig at apat na taludtod, pitong saknong, maikling tula tungkol sa Diyos.
Previous Posts:
• Tula Tungkol sa Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas
• Malaya Ako sa mga Pangarap
• Tagalog na May Tugma
4 comments:
maraming salamat natapos ko rin yung project ko ! hahahahaha .. LLN xD
nyak corny mo tall
nyak corny
maganda sana pero may alternative title ba para jan?
Post a Comment