Tagalog na Tula na May Tugma
Ito ay isang halimbawa ng tula sa Filipino na may tugma ngunit walang sukat.
Katarungan |
Katarungan
ni: Nene Cristobal
Magagasgas lamang - mga lalamunan,
Nitong mga lobong lipad sa ulapan,
Marami man itong kanilang mga bilang,
Hinding-hindi naman tiyak pakikinggan.
Kahit na sa buwan itong hinanakit,
Ilipad ang daing, hinagpis at sakit,
Papuputukin lang ang pintog na ganid,
Matulis ang kuko ng hayok sa langit .
Sa paghahanap ko nitong katarungan,
Baka makarating sa kinabibilangan,
Nitong mga pigtas ang hingang nilalang,
Na naghihintay doon sa krus na daan.
Kung sa lupa’y kinang ay sadyang mailap,
Nitong katarungang ibig na malasap,
Hayaang lumuha't dugo ay pumatak,
Pagkat nasa langit ang tunay na galak.
Mabuti-buti pa na ipasaitaas,
Ang ibig makamit na ngiti at gilas,
Ang katarungang libing na at agnas
Makakatalik kung dating na ang wakas!
(biling-baliktad 2012)
Katarungan - tula ni Nene Cristobal - halimbawa ng tagalog na tula
Iba pang Tula ni Nene Cristobal
1. Pagbabago - Tagalog na Tula sa Tuluyan
12 comments:
weH? ang hirap gumawa niyan.! nakakalito.!!
ang ganda naman ng tula mo te hindi ko marich
haneeeeeeeeeeeeeeeeeeep''''''ang tula mo day turuan mo naman ako
gumawa pa po kayo ng iba yung pag ibig namn;;;;;;;
walleeeeeeeeeeeeh
kailangan tumutugma ang huli sasusunod pa kung gusto nyong gumawa
spat tlga magkaroon ng katarungan kung saan mang bgay.,.....
wow galing gumawa ng tula
Ang Galing mo naman tumula~ Hindi ko kaya iyan~
Great Job~ :))
Thank you
nice one brad
nice one brad
Post a Comment