Tagalog na Tula na May Sukat at Tugma
12 Pantig sa Bawat Taludtod
![]() |
Diyos ang Bahala |
ni: Ariana Trinidad
1
Kung tatayo ako sa gitna ng g’yera,
at sasabihin kong tumigil na sila,
pagpapakamatay’ aking mapapala,
mabuting magdasal sa D’yos na dakila!
2
‘Pagkat nakalimbag nga sa Kasulatan,
bansa sa mundo ay magsisipaglaban,
kasali pa dito pati kaharian
at magsisitindig, lilong kasamaan.
3
Magtataka ba kung natutupad ito,
daigdig, sa ngayon ay tila imp'yerno?
tumatatak lamang ang tusong demonyo,
kayang ipaglayo ang buklod ng tao.
4
Sino ba ang dapat na ating sandigan,
hindi ba Diyos na dakila't mainam?
at kung mananalig sa kapangyarihan,
Diyos ang bahala sa kinabukasan.
5
Espiritu lamang ang makasusupil,
sa mga alibughang ‘di na mapigil,
sama't kasalanang doo'y nakahimpil,
dagling matutunaw pati mga taksil!
6
Ang bansang sa asta ay tila nga hari,
maliit na masa ay nilulugami,
tiyak ang parusa ang apoy ang saksi,
hindi na aahon kahit na magsisi.
7
Ang mga nilalang na ganid sa laman,
at hayok sa lakas ng kapangyarihan,
inagaw ang ginto’t mga kayamanan,
siguradong pugnaw sa init ng kalan!
8
Kaya kung tayo ma'y umiiyak ngayon,
asahang sa oras nitong paghuhukom,
sa ligtas na pook ang tuloy ng layon
na tungo ng paa - kasama ang Poon!
Previous Posts:
• Tula na Tungkol sa Pasasalamat sa Diyos
• Tagalog na Tula na May Tugma
• Isang Halimbawa ng Tagalog na Tula
55 comments:
wala bang tulang "parangal sa isang binibining ikakasal"?
ncy i like thisx !!
i love it...
galing hah like it....
sinong gumawa nyan ewwwwwwwwwwwwwww,
thanks po natapus na rin project ko :D
salamat puhhhh,nag copy+paste lang ako nito para sa akin proyekto sa FiLiPinO (*^_^*)
pa copy paste din po para sa project sa Filipino :) SAlamat po ng marami ^^
thats a very nice poem
i willshare it to many facebook user so hey will see it this a dramatic poem i ever read
nice ! wla bng balagtasan dyan ?
that's beautiful
maganda siya at magkatugma nga
wala bang tula na may tatlong taludtod??
WeW... meron po bang tula dito na tungkol sa sarili/personalidad?
ala bang tulang may 4 na taludtod at apat na saknong???
ang galing............pa- copy po haah??
thankz!!!!!!!!!!!!!!
alupet!!!
slmat po :D kumpleto nadin ang proj ko :DD d porket dahil dito ay para sa project din nagandahan din po ako sa tulang ito :D
Pacopy po hah!
nakakanosebleed,,ang lalalim ng mga salita!!!
ang ganda ng tula naka katouch si sharmaine pala ito
Parang mali ata na ipasa na ntin sa diyos ang lahat.. sapagkat dapat din nmng kumilos tayo hindi ung sabihin nting "Diyos ang BAHALA"..
Wla comment lng....
Hindi nmn ata iasa ntin sa diyos ang lahat .. Syempre dapat Kumilos din tayo hindi ung puro "DIYOS ANG BAHALA"..
Comment lng....
pagawa naman po ng tula na may paksang KABABAANG LOOB :)
SupEr liKe!!(-:
wala po bang tula na anim lng ang saknong ??
maganda, magaling, mahusay at kahanga-hanga ang tula na iyong ginawa!..
grabe! ang ganda ng tula GOD ang DIYOS NG LAHAT
wow,ganda naman.........................copy paste ko na lang para sa proyekto sa filipino....ty
Hindi naman 12 pantig 8 saknong
pacopy lng po ha.. maraming thank you:)
ang ganda ng tulang ito naka tulong ito talaga sa pag aaral ^_^
ang galing naman po ng tulang ito,,,,,,,,,,,,,,,
tama at pawang totoo
Pakopya po pra sa assgnment ko npaka-meaningful po at ang gnda..slamat po
pa copy po,ang galing nyo po..keep it up!!!!!
Ang ganda ... totoong totoo talaga ...
thank u so much...
i love u ..!!poh...!!nka touch nman pohhhh....
i love u..!!nka touch nman....!!!pohhhh
I love this poem :)
Ahmf.. dun sa isa pong ngcomment, hindi porket ang pamagat ng tula ai ang DIYOS ANG BAHALA ai iaasa na ntin lhat sa kanya .. ang word na Bahala ai nngangahulugan lng n IPINAPAMAHALA kung saan anu mn ang gawin ntin ai naayon lngsa knya !
&to ariana: nice poem po !
I love this poem :)
Ahmf.. dun sa isa pong ngcomment, hindi porket ang pamagat ng tula ai ang DIYOS ANG BAHALA ai iaasa na ntin lhat sa kanya .. ang word na Bahala ai nngangahulugan lng n IPINAPAMAHALA kung saan anu mn ang gawin ntin ai naayon lngsa knya !
&to ariana: nice poem po !
pa copy po ako para po sa project in filipino po
thanks po
Peram po gagamitin ko sa H.W. ko sa Filipino thanks po :)
salamat po sa tula mong ipinakita kasi na tutuwa po ako eh sa tula mo maasahan po kayo thanks GOD BLESS nka touch namn pohh im romeo
pa copy naman anak maganda ang likha mong tula...Godbless
salamat
thank you po ... dahil may H.W. na ako sa Filipino !!
i love it !!
i ka kopy paste ko nga to
wag ninyo ako sasabihin kay mam villa roman
haha gr 8 catlea
copy+paste para sa project ^_^ thank you <3
ganda naman
di ko feel :3
thank you di na ako gagawa ng tula para sa project ko.,.=)
maka itokay way lain
ang tadhana ay tadhana..
............ nice one......................
Post a Comment