Ikaw, Ako at ang Tula
Marapat lamang na ating pagyamin ang tulaang Filipino. Ito’y maituturing na isang kayamanan sa sining, kultura at literatura ng Pilipinas. Alagaan ito, arugain ng lubos at ituring na asawa, kasintahan o kalaguyo. Ipagtanggol ito sa sinumang lalapastangan at hindi magpapakundangan. Ang tula ay sining… sining na salamin ng iyong bansa… bansa na siyang pagkatao mo, dapat mong pangalagaan at mahalin gaya ng iyong sarili.
Credit: jeannewilkinson.blogspot.com |
TRI-SAM
ni: Nene Cristobal
Ihalik mo ako sa pisngi ng tula,
At iyakap mandin sa mga salita,
Himasing mainam itong mga tugma,
Upang madama ko ang libog at tuwa.
Sa mga kataga'y idikit ang labi,
At saka paikutin sa pagluwalhati,
Dila ay ilabas himuring mabunyi,
Tiyak malilimot ang luha't pighati!
Hagurin ng palad ang ugat kong uhaw,
At sa kadilima'y pumintig ng sayaw,
Paigtinging lubos ng munting mga galaw,
Ang titik na siyang tinig na mapanglaw!
Ihiga mo kami sa wikang Tagalog,
Kumutan ng letra't padapang lumuklok,
Umulos kang kahit tila nauupos,
Malalasahan mo ang luto ng Diyos!
Sambahin ang katas na dito'y nagdaloy,
Dito tilamsikin at ituloy-tuloy,
Ang wika kung ginto ay maisasaboy,
Sa kapwa nilalang na ibig magluoy!
Kuyumin ang kuwit nitong aking puso,
Lamasin ang tuldok ng luksong mga dugo,
Ang tandang pananong na siyang nagbugso,
Tandang padamdam ang 'yong ipangsuyo!
Kung ikaw man ay mangagdalang-hiya,
Sa paglalayag natin sa pagkakasala,
Ikaw saka ako kasama ng tula,
Magtatalik tayo hanggang sa magsawa!
Hiwaga ang siyang makikipagniig,
Sa ating tatlo, sa papag o sahig,
At kung maabot ang rurok ng langit,
Kalamnan at buto - tiyak manginginig!
Huwag na rin nating isaalang-alang,
Kung magbubunga man ang pagmamahalan,
Pagkat bungang-supling ng pag-iibigan
Magdudulot naman ng kapanabikan!
Previous Posts:
• Maikling Tulang Pilipino
• Tagalog na Tula Tungkol sa Kabataan
• Si Ana Manila
4 comments:
nice :))
may malalim na kahulugan......magaling.
Whoa? Leebug
nice! i got mine too...
PAALAM
Ni supladongtorpe09
Nagsimula ang lahat ng hindi ko inaasahan,
At natapos ang sa atin nang biglaan.
Hindi natin ito ginusto,
Pero ang nakatakda’y hindi na mababago.
Mahal kita mahal mo rin ako,
Pero bakit kontra sa atin ang mundo?bakit hindi na lang tayo hayaang maging masaya?
At manatili sa piling ng isa’t isa?
Sa alaala ko na lang ba muling makakasama?
Sa alaala na lang ba mamamasdan ang mapupungay mong mata?
Bakit pa kailangang tayo’y mahirapan pa?
Gayung noon pa mang una ay mahal na natin ang isa’t isa.
Ang lahat ng tawanan, asaran, at ating kulitan,
Biglan na lang naglaho’t hindi na maramdaman.
Umiiwas ka dahil iyon ang kailangan,
Kahit pa sa puso mo’y may pag-aalingangan.
Sa tuwing nagkukrus ang ating landas,
Ang lungkot sa’yong mata ay aking mababakas,
Alam kong labag sa’yo ang ginagawa mo,
Pero wala kang magagawa dahil alam mong sa ganito’y magkikita pa rin tayo.
Marami ako sa ‘yong nais na sabihin,
Ang aking puso’y nais kang yakapin,
Gusto kong haplusin ang pisngi mo nang madiin,
Pero hindi na… hindi na puwede… pagkat may hadlang sa atin.
Bakit ba hindi nila tayo maunawaan?
Bakit hindi nila matanggap an gating pagmamahalan?
Hindi ba nila naisip na pareho lang tayong nasasaktan?
Sa agos ng ating sitwasyon na kayhirap sabayan?
Sa mga panahong wala ka sa aking piling,
Aking hinihiling na sana oras ay dumating,
Na tayong dalawa’y muling magkakasama,
At sa paglipas ng oras ay magkahawak kamay na!
Ngunit hindi na yata iyon mangyayari,
Pagkat ang mundo nati’y di na tulad ng dati.
Hindi pwede… ayaw nila’t di maaari
Ang muling makasama ka’y daig pa ang pagbabaka sakali.
Mahal natin ang isa’t isa pero hanggang salita na lang iyon,
mahal natin ang isa’t isa ngunit iyon ay isa na lang malaking tanong.
Kung pwede lang sanang turuan ang ating puso na hindi masaktan,
Gagawin ko sapagkat alam kong patuloy lamang tayong mahihirapan.
Siguro nga’y hindi tayo para sa isa’t isa.
Pagkat ikaw at ako, ang estado’y magkaiba.
Hindi maaaring ika’y mapunta,
Sa taong tulad ko na api at aba.
Paalam na sa ating pag-ibig na pinagsaluhan,
Paalam na sa pangarap na sabay nating kinulayan.
Paalam na sa ‘yo, mahal kong paraluman,
Sana sa kabilang buhay pag-ibig nati’y madugtungan.
Ngunit bago pa man tuluyang ang lahat sa ati’y matapos,
May isang bagay ako na nais kong iyong matalos.
Lumipas man ang araw at hindi ka man matanaw,
Alaala mo’y mananatili sa puso kong walang ibang laman kundi ikaw!
5-4-13
>michael saudan
Post a Comment