Isang Tula sa Malayang Taludturan
Halimbawa ng Isang Tula sa Malayang Taludturan
Madalas gamitin ang malayang taludturan o tula sa tuluyan ng mga makata upang maipahayag sa madamdaming pagsulat ang mga nasa puso at isipan. Inampon na rin ang gawaing ito sa ating bansa partikular na ang mga kabataan na mahilig sa tula at nagnanais na maging makata.
MALAYA AKO SA MGA PANGARAP
ni: Cruz Luis Tampiong
(Nag-aaral sa Gen. T. de Leon National High School. Pangarap niyang maging isang sikat na makata sa hinaharap na panahon at maging isang kilalang manunulat ng mga tula sa tagalog gayundin sa malayang taludturan.)Nangangarap ng dilat;
Ngunit walang unawa
Walang diwa,
At hindi masalat…
Hindi makatulog
Hindi makadulog
Pagkat walang maaninaw,
Hindi makasingaw
Ang mga pangitain
At ang mga mithiin.
Dito na lang sa sulok
Sa ibaba ng rurok,
Sa langit ibinabato,
Sa taas inihihiyaw
Sa alapaap isinisigaw
Ang sibat ng dasal
At purol ng punyal
Dito…
Na wala naman yatang
Nais sumalo!
Narito sa pait na hapit
Kapiling ang mga haliparot
na pangarap at sakit
Ang mga maharot at malikot
Na sustansyang wala
Sa sulok ng bulsa
Pagdurusa ang tanging
Sa tuwina’y kapiling
Sanhi marahil
Ng kasalanang hilahil.
Ngunit may pag-asa,
At may ligaya
Hindi laging luha at dusa
Ang sukli sa hamon
Ng kahapon
Sa hukay ibabaon
Mararanas din ang anas
Ng bukas
Hatid ng sikap na pumalag
Sa magdamag.
At baka dito sa sityong ito
Baka narito
Ang daan sa kaliwang bahagi
At sa kanang pagmumuni-muni,
Baka narito
sa kalsadang mabato
Ang buhay…
Ang ligaya…
Ang saya…
Ang tuwa!
Baka narito sa dulo
Ang ngiti,
Ang halakhak
Na may lalim
Na payak
Hindi gaya ng paghamak
Sa mundong lubak-lubak
Na libre sa mga naglalakbay
At ayaw maglubay
Sa luksong-tinik ng buhay!
Bukas bubukas ang bukas na katuparan
Ng lahat ng pintuan ng langit
Indayog ng tagumpay
Makakamit hindi ipagkakait
Mararating ang ibig marating
Sa tulong ng hiyaw ng sarili
Na kasama ang bulong
Paliwanag o Paglalarawan ng Tagalog na Tula:
Naglalarawan ng madamdaming pagnanais na maisakatuparan ang mga pangarap. Ang makata, bilang isang mag-aaral, ay ibig na ibig pumasok sa isang larangan na hindi niya maisip kung siya ay magtatagumpay. Isang halimbawa ng malayang taludturan o tula sa tuluyan sa wikang Filipino o Tagalog.
24 comments:
LOL, hirap naman ng assignment at di naman ung tula malaya ang taludturan meron paring tugma!!
its really really nice!
:)
ang haba haba naman!!
ed kaw na gumawa tingnan ko lng kung makahanao ka nang tula na malayang taludturan
:)
haba
grabeng stress sa paggawa ng project talga.....
Hirap talaga gumawa ng TATLONG project sa isang gabi...
i was impress sa mga taong..itinataguyod ang bandila ng pilipino
SINO MAY alam sa WALANG SUGAT malaya o di malaya ba siya at bakit please help :(
.. haiSt ! hirAP TLAGA gumawa ng saRilinG tula.. nDi ako mkatiis keyLangan kuna lang sa nTernt kuNin.. heheh 1
Lupet
oki ni nayo ti lung ibagbaga u????
haba namn
it's really nice , but don't you have any other because i really need it. but thanks for the poem,it is really nice
Ang haba haba
Kapoy man magbasa ani oi!!! Taasa poddd!!!!!!!!!!!!! pro swak kay maka kuha ka og answer
Hooooooo!!!!!!!!! taaaaaaaaaaaaaasa!!!!!!!!!!
ok to ah kaso lng mahaba :)
.,mhaba pero maganda dhil nkakatulong ito sa tulad kng mag aaral..;)
Anu yung taludturan? I'm serious -_-
guy's .. help .. dame ko ass. sa FILIPINO ..puro tula !!
ahhhh puno ng assignment!!!!
。・°°・(>^<)・°°・
Post a Comment