Welcome to Halimbawa ng mga Tagalog na Tula!

Ang blogsite na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng mga tagalog na tula ng aming mga kaibigan. Maraming salamat sa pagbisita at sana'y naging makabuluhan ang inyong pagdalaw.
Notice:

Please see our SITEMAP to browse all tagalog poems and their respective authors/contributors. Thank you!

SHARE THIS!

Thursday, July 7, 2011

Tula sa Filipino: Si Ana Manila

Halimbawa ng Tulang Tagalog
(Example of Tulang Filipino)


“Most of the youth today use their times in video games and internet gaming network rather than spending time studying. They seem to enjoy these activities, ignoring the consequences.

Si Ana Manila ng Lansangan
ni: Sweet Lapuz

Bigo si Ana Manila sa kanyang pangarap
Na tinatahi-tahi niya sa isip at dibdib,
Natunaw lahat…
Hindi pala…
Naudlot lahat,
Sapagkat walang nabuo kahit isa.

Hanggang diyan ang pisi
Ng ligaya niyang walang humpay,
Dahil sa itim na budhi,
Na ayaw maglubay,
Kaya ang kanyang buhay,
Laging sablay.

Sarap sana ng higop niya
ng sabaw ng nilaga,
At pangal niya ng lechong paksiw
Na may sauce na ang timpla
Ay tamis-anghang ng asukal at paminta,
Wala na… wala na… tiis siya!

Hanggang wakas sana
Doon sila magkikita
Ng imbay ng tagumpay,
Doon sa simula,
Makakasama niya naman
Pero, wala na… puro katapusan!

Pagkat hindi siya nagtiis,
Hindi nagpapawis,
Kapiling niya ngayon,
Langaw na gumon
Gumon sa kanyang dungis,
At paghihinagpis!

(kayod-kalabaw 2012)

"Video games and other related internet-based activities such as social networking sites can affect their personalities their lives as well. They can become addicted to these habits and will eventually ignore their studies and tasks.”

Si Ana Manila ng Lansangan - tula ni Sweet Lapuz - halimbawa ng tulang Filipino tungkol sa kabataan.

Halimbawa ng Tulang Filipino

2 comments:

Anonymous,  November 20, 2011 at 10:25 PM  

pwede po ba kayo maglagay ng onting description ng authors? sige na po

Anonymous,  August 1, 2013 at 5:41 PM  

Alam ko pong nakakahiya pero pwede po gumawa po kayo ng tula na may limang stanza at 4 lines each at 12 syllables kada lines Thank you po! Ignore niyo na lang po hindi niyo ok lang po yun

Post a Comment

    ©   Halimbawa ng mga Tagalog na Tula All Rights Reserved 2009

Back to TOP