Welcome to Halimbawa ng mga Tagalog na Tula!

Ang blogsite na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng mga tagalog na tula ng aming mga kaibigan. Maraming salamat sa pagbisita at sana'y naging makabuluhan ang inyong pagdalaw.
Notice:

Please see our SITEMAP to browse all tagalog poems and their respective authors/contributors. Thank you!

SHARE THIS!

Thursday, June 23, 2011

Tula na Tungkol sa Pasasalamat sa Diyos

Tagalog na Tula na May 12 Pantig sa Bawat Taludtod

Isang uri ng tagalog na tula na panalangin sa Diyos. Ang halimbawa na ito ay may sukat at tugma na alay, pasasalamat at dasal ng makata sa ating Panginoon. Ito ay maaaring gamitin sa proyekto sa Filipino.

PASASALAMAT
ni: Kiko Manalo

(Isang college student sa BSU. Kung walang klase madalas siyang makikita na gumagawa ng tula sa ilalim ng isang punongkahoy.)
Salamat, Ama ko, sa mga nagdaan!
Pinagtibay akong tila sa kawayan,
Alin mang unos at bagyong nakalaan,
Ako’y lumiwanag, walang kadiliman!

Patawad naman po, O, Dakilang Bathala,
Sa imbay ng aking pagiging masama,
Aking karupukan, sa tukso’y mahina,
Pinagsisisihan aking naging sala!

Naninikluhod, sa iyo’y nananangis
Tuloy mo lang sana, iyong paghuhugis;
Patawad sa lahat ng aking mga dungis
Patawad sa aking pagiging malihis!

Ang kariktan mo’t iyong luwalhati,
Aking iningatan sa libot ng dumi,
Pagyayamanin ko iyong mga buti,
Ako, pagkat tao, iyong pag-aari!

Daing ko rin naman sa iyong paanan,
Pagtibayin ang aking mga kahinaan,
Bigyan mo ng sapat na diwa’t katatagan
At likas na ipunla mga kabutihan!

Papasakop ako sa iyong mga utos,
Magiging matatag sa lahat ng ulos
Aking ilalagay sa puso ko’t kilos
Ako’y anak mong sa aral ay lipos!

Sa araw at gabi’y magpupuri sa iyo
Walang hangganan mo’y dadakilain ko,
Sa inog ng mundo, sa buhay kong ito
Ikaw lamang Ama! Hindi ang demonyo.

Hanggang dito na muna ang aking pag-usal,
Salamat na muli sa aking pag-iral,
Idinadalangin, ipinagdarasal,
Sa pangalan ng anak mo: si Hesus na mahal!

Paliwanag o Paglalarawan ng Tagalog na Tula:

HINDI AVAILABLE

25 comments:

Anonymous,  June 17, 2012 at 1:49 PM  

wala bang tula ni francisco baltazar?

Anonymous,  July 10, 2012 at 7:42 PM  

wow!what an amazing poem!!!!!! :))

Anonymous,  July 23, 2012 at 9:17 PM  

wow ganda

Anonymous,  July 25, 2012 at 10:07 AM  

thanks po sa tula...!!!!! nakatulong po tlaga...!!!!! salamat po ng maraming marami...:))

danica,  August 5, 2012 at 2:01 PM  

ang ganda nito..................hahahahahhaha..................

Anonymous,  September 18, 2012 at 10:23 AM  

what a nice "TULA" for my AWTPUT :D

Anonymous,  November 6, 2012 at 5:07 PM  

wow ! ganda..may pagbasehan nako..salamat

Anonymous,  November 20, 2012 at 6:24 PM  

ang ganda sana ng message kaya lang di ko naman naisip na tingnan to bago ung submission namin... pero ngaun kailangan ko ng halimbawa ng slogan

Anonymous,  January 7, 2013 at 5:04 PM  

WOW SOBRANG GANDA PO NG TULA

Unknown January 7, 2013 at 8:12 PM  

wala bang tula na may tayutay d2????????

Anonymous,  June 5, 2013 at 1:34 PM  

wala bang tula ng salamin si kiko

Anonymous,  August 24, 2013 at 11:31 AM  

sobrasobrang pagka arte!

Anonymous,  June 8, 2014 at 9:31 PM  

thank you po

Anonymous,  June 12, 2014 at 9:30 AM  

ganda ng poem :)

Anonymous,  July 9, 2014 at 9:17 PM  

kuya gawa ka ng tula tungkol sa "pag-ibig ng diyos"

Anonymous,  July 30, 2014 at 7:39 PM  

galing....matalino ka..anggaling mo

nakatulong sa akin ng maayos itong tula

Anonymous,  August 3, 2014 at 3:51 PM  

Galing naman!!!

charisse espaƱola,  August 9, 2014 at 11:34 AM  

ang ganda promise!!!!!!!!

Anonymous,  September 2, 2014 at 8:54 PM  

wow!!! boompanis ganda talaga!!!

Anonymous,  September 10, 2014 at 10:25 AM  

wow!its a nice speech

Post a Comment

    ©   Halimbawa ng mga Tagalog na Tula All Rights Reserved 2009

Back to TOP