Filipino Poem na Pambata Grade 1 to Grade 6
Halimbawa ng tula na may anim na taludtod (linya) sa bawat saknong.
Sa Aking mga Magulang
ni: Jerome Apilla
Kayo ang dahilan ng aking hininga
Ako ay nabuo sa inyong kalinga,
Pag-ibig na wagas, totoo’t dakila,
Ang siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla
Hinubog ang aking damdamin at diwa,
Kasama ko kayo sa ngiti ko’t luha.
Sa aking pagtulog sa gabing madilim,
Nagbabantay kayo hanggang sa mahimbing,
Hindi hahayaang lamok ay kagatin,
Pati na ang init, pilit papawiin,
At kung ako ma’y tuluyang magising,
Nakangiti kayong sasalubong sa akin.
Hindi nga maliit ang sakripisyo n’yo.
Simula nang ako’y maging isang tao,
Kaya naman ako’y may mga pangako
Mga utos at hiling ay susundin ko,
Igagalang kayo at irerespeto,
At mamahalin sa buong buhay ko!
Isang Tulang Pambata
Grade 1 to Grade 6
Iba pang Tulang Pambata
• Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas
45 comments:
salamat po sa paggawa neto napakaganda po
Wow! ito ang kailangan ko
HAHAHA! SALamat tlga..
pa copy. hehe :)GOD BLESS YOU!
SalmanerZz!!
galing ng gumawa..
thanks sa ginawa mong tula hah?? pacopy hah?hehe.
thank u sa poem, ah ? nakabigay din ng ideya..
sa wakas nka-hanap din.
ANG GANDA
magaling mayroon na akong ma copy na tula maraming salamat
Nice nkktouch nmn namimis q 2loy mga parents q...,ang gling nya.god blez po....
hay salamat meron na rin akong ass.
tnx sa poem
tnx sa poem
Maraming salamat sa iyong munting tula, nawa'y ika'y maging isang tanyag at dakilang makata; Mula sa isang magulang, ang katha mong ito'y nagdulot ng kaligayahan, gayu-on din kung ihahandog ko sa aking mahal na biyenan (sa kanyang ika-pitong'put limang ka-araawan).
thanks sa tula na ginawa mo. kailangan namin ito sa project namin. copy po ako ha? salamat. God bles you.
masyadong mahaba para sa bata .
thanks kay NANAY at TATAY .......i love you.....
john steven po comment lng hahaha
Very nice, I just copied. Thanks very much! God bless you :) "toshi"
ang ganda ng tula na gnawa mo...keep it up
binago ko po ang title..sa aking ina po...at pinalitan ko dnpo ang ibang salita....patungkol lag po sa aing ina...wala n po kc akong ama...pasensiya n po...pero npakaganda po ng tulng ito,salamat po
kuya salamat po sa bigay nyong idea.
kuya salamat po sa bigay nyong tula, dahil d2 nakakuha po ako ng kaunting idea tungkol sa aking mga magulang....
GOD BLESS PO!!!
tnx sa tula. pakopya para sa project. salamat.
maganDa :) perO pweDe kayOng gumawa nG tuLang pang iResponsabLe.? yunG puno ng gaLit,Poot at hinagpis . tns\x in aDvance :)
thanks for sharing this. .
tnx sa iyong tula...pa-copy...gagamitin ko ito sa scol ha?...salamat...GOB BLESS!!!
short but concise.. inspiring! :)
pwede po ba tungkol sa batang mapag isa sa paaralan
?? ty po!!
may roon po bang tungkol sa batang mapag isa?? ty po kung meron!! :D
pwede po ba tungkol sa batang mapag isa sa paaralan
?? ty po!!
Nakakabagbagdadamin..
Ganda po...love it...
nice poem!!!!! na miss q tuloy parents q..hays ganda nmn ty sa gumawa ..pa copy po :D
isang napaka gandang tula...tamang tama para sa mga bata
galing
Galing ng gumaw ng tula pagpalain kayo"
Maraming salamst sa paggaea nito napakaganda ito na ang ipamemorya ko ss aking anak para school nila...maraming salamat talaga..
..tnx fuh kailangan fuh kc ng pamangkin ko Sa takdang aralin nia.'' Tnx fuh ul8...!!
wow d best talaga ang noypi,ang gnda na ginawa mu kuya,tenk u ha,meron ng talent ang anak ko para sa buwan ng wika...
p copy..salamat
ganda namn...
can i copy it ?
pwede kopyahin ?
Salsa at po, nakahanap din ako Ng Tula para sa proyekto Ng anak ko na grade 3. Keep up the good work and more power.
hay salamat may assignment den
Post a Comment