Welcome to Halimbawa ng mga Tagalog na Tula!

Ang blogsite na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng mga tagalog na tula ng aming mga kaibigan. Maraming salamat sa pagbisita at sana'y naging makabuluhan ang inyong pagdalaw.
Notice:

Please see our SITEMAP to browse all tagalog poems and their respective authors/contributors. Thank you!

SHARE THIS!

Tuesday, July 31, 2012

Mga Tula ng Pag-ibig

Mga Halimbawa ng ula ng Pag-ibig - Isahang (1) Saknong Apat (4) na Taludtod


Mga Tula ng Pag-ibig

Pagpili

Ako’y gaya nga ng dalagang mahinhin,
Pili ng binatang aking iibigin,
Idurugtong ngayon sa puso’t damdamin,
Kasiping habang buhay magpahanggang libing!

Sintang Pag-ibig

Nadilaan ko ang lasa,
Nitong hain mong hinanda
Ang dibdib ko’y dumikta,
Na ito’y pag-ibig sa sinta.

Love Poem

Hindi mauubos ang tinig ng dibdib,
Kasama sa hinga nitong iyong bibig,
Kusang iluluwa sa lupang daigdig,
Kahit na ang tibok ay luhang pumintig!

Halika, Mahal Ko

Halika’t kumapit tayo’y maglalayag,
Sa mundong wala pang doo’y tumatapak,
Kumapit mabuti at tayo’y lilipad,
Sa langit ang tungo na magkaliyag.

Ngiti

Iyong mga ngiti ay lagi kong dala,
Sa gabi at araw, ako’y sumisigla,
At kung malungkot sa mga problema,
Hahagurin ng tingin ang mukhang maganda!

Huling Pag-ibig

Matatagpuan mo itong kayamanan,
Na bugsong lalaban sa kapighatian,
Ito ang gugupil sa imbing katiisan
Huling pag-ibig mo ay masusulyapan!

Pagmamahal


Magalak sa dusa’t ngitian ang luha,
Tamisan ang pait ng pangungulila,
Ang puso, kung tunay, wagas at dakila,
Maipalulutang ang bigat ng dala.

Dakilang Puso

Kukupas ang maong pati kansursilyo,
Hindi itong ganda ng labas mong anyo,
Ang loob na asal na gitna ng puso,
Ay yaman sa buhay ng kahit na sino!

Pinoy Love Poems

Maraming salamat, buhay ko't pag-ibig,
Ikaw ang dugo kong narito sa dibdib,
Kung hininga ko'y kagyat na mapatid,
Asahang lilingap kahit panaginip!

Mga Tula ng Pag-ibig

15 comments:

hannah khia caguioa August 4, 2012 at 5:03 AM  

wow namn ganda nakaka in love hahahahaha love it

Anonymous,  September 26, 2012 at 4:05 PM  

ok lng naman ung iba :)

Anonymous,  February 10, 2013 at 3:57 PM  

hehe.. tNx xha tuLanG pag-ibig.. mAY natu2nan dn akuh xa tuLa nha 2. aMhft nAg-aAral xiak nha maging wriTers sa schoOl.. ayeEeHhHH

Anonymous,  February 10, 2013 at 3:58 PM  

XnAA maDagdagan paH..

Anonymous,  February 18, 2013 at 10:33 PM  

Galing nang tula

Thangs Haaa..

Anonymous,  June 12, 2013 at 4:44 PM  

soO nyc tlaga ang tula ng pag ibig...

nica,  June 14, 2013 at 3:34 PM  

...whatever,,,,crush ko tlaga si chritian

Anonymous,  July 15, 2013 at 9:31 PM  

love kuto..

Anonymous,  September 4, 2013 at 4:29 PM  

Walang sukat at tugma

Anonymous,  November 25, 2013 at 6:39 PM  

^^
SHUT UP! walang kinalaman chritian mo dito panget na man yun

Anonymous,  February 6, 2014 at 8:19 PM  

Nakaka inlove nman to

Anonymous,  March 19, 2014 at 8:57 PM  

Thanks dahil dito sa tula may nagawa akong project ko hahaha walang maisip kaya ito ang kinuha ko napakaganda po.....

PrinceAceveda June 19, 2014 at 7:54 PM  

dpt yung may 4 na saknong lang tapos may sukat tugma

Post a Comment

    ©   Halimbawa ng mga Tagalog na Tula All Rights Reserved 2009

Back to TOP