Malayang Tagalog na Tula ng Isang Makata
Halimbawa ng Malayang Taludturan na Tula
Isang tugmaan na malaya at walang sukat ang siyang nais ibahagi ng tulang Filipino na ito. Sa mga talata ay mababakas ang masidhing pagnanais na mailahad ang isang damdamin at kaisipan ng makata sa mga taong iwinawagayway na sila ay kuntento na sa buhay ngunit sa tunay na pangyayari ay malayo sa katotohanan.
KUNTENTO
ni: Kiko Manalo
Ito lamang ang paraan
Nang maraming nilalang,
Na maramdaman
Sa gitna ng kanilang buhay,
Na sila ay wagi
Sa pinasok na larangan,
At pinagkakaabalahan,
Sa pintig at kamatayan.
Ito rin ang paraan
Upang maitagong mainam
Ang kanilang pagdaramdam.
Kahit na lupasay,
Sa ikot ng buhay,
Pinipilit ibulong,
Sa pintig na panahon,
Na sila’y walang angal,
Kahit katiting man lamang
At hindi mga hangal,
Ngunit sa katotohanan,
Ay nag-uumapaw
Ang kanilang pagkauhaw!
Ito rin ay katwiran
Ng mga taong takot,
Sa pagkabagot,
Na may laksang lumot,
Sapagkat hindi umiikot
Ni umaabot
Sa pinakarurok
At naghihimutok,
Sa kanilang pinasok,
Na pakikihamok.
Ikinukundisyon ang ulo,
Na siya ay kuntento,
Sa kasalukuyang tinutungo,
Kahit walang nabubuo,
Kundi pagbabalatkayo,
Hanggang mapagtanto,
Na kaniyang niloloko,
Ang utak niya’t puso
Na kuntento siya
Sa ikot ng mundo.
Previous Posts:
• Isang Tula sa Malayang Taludturan
• Isang Pasalaysay na Tula
• Tagalog na Tula na May Tugma
3 comments:
tungkol xn yan ??? d ko ma gets..??!
tulang malaya ba lahat yan????
ANO YAN?
Post a Comment