Welcome to Halimbawa ng mga Tagalog na Tula!

Ang blogsite na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng mga tagalog na tula ng aming mga kaibigan. Maraming salamat sa pagbisita at sana'y naging makabuluhan ang inyong pagdalaw.
Notice:

Please see our SITEMAP to browse all tagalog poems and their respective authors/contributors. Thank you!

SHARE THIS!

Thursday, August 4, 2011

Tagalog na Tula Tungkol sa Kalikasan

"Isang paglalarawan ng mga pagkasira ng mga kabundukan at ganda ng ating kalikasan dahil lamang sa iilang tao na ganid at walang inisip kundi ang magkamal ng sandamakmak na salapi. Ni hindi yata isinasaalang-alang ang susunod na henerasyon ng ating bansa. Isang saludo para sa sumulat. Mabuhay ka!"


Homonhon Island

Isla ng Homonhon
ni: Naty Martinez

Isla ng Homonhon kay gandang pagmasdan
Sa gitna ng dagat tila nakalutang
Ako’y nananabik ika’y mapuntahan
Nang maibsan naman yaring kalungkutan.

Tatlumpu’t dalawang taong nakalipas
Nang huling madalaw at ganda’y mamalas
Sana isang araw makamtan ang lunas
Nitong kalungkutang aking dinaranas.

Nalulungkot ako sa tuwing makikita
Sa mga litratong inilalathala
Bundok na kay ganda ngayo’y sinisira
Ng mga dayuhang hayok sa biyaya.

Oo nga’t ang iba doo’y kumikita
Sa yaman ng isla bigay ni Bathala
Nguni’t sana naman maisip din nila
Ang kahihinatnan bukas-makalawa.

Huwag nating hayaang tuluyang mawasak
Islang minamahal sa ganda’y busilak
Ang sinumang taong doon ay mapadpad
Angking ganda nito’y hahangaang tiyak.

Kaya’t di mawaksi sa puso’t isipan
Isla ng Homonhon baryo Casuguran
Sana isang araw muling masilayan
Ang napakagandang lupang sinilangan.

Iba pa:

Isang Halimbawa ng Tagalog na Tula
Maikling Tagalog na Tula

Side Note:

“Homonhon Island is located in the southern tipmost of Eastern Samar and is under the municipality of Guiuan, Eastern Samar. Historically speaking, Homonhon Island is the place where Ferdinand Magellan first landed.”
---Naty Martinez

18 comments:

natymartinez August 5, 2011 at 12:23 PM  

Maraming salamat Ariana sa paglathala mo ng sinulat kong tula.Labis ang aking kalungkutang nadarama sa nangyayari ngayon doon sa isla na walang habas na minimina ng mga dayuhan.Dasal ko lang na sana huwag maranasan ng mga taga roon ang nangyari sa Ormoc noon.At sana magising ang mga kinauukulan sa masamang epekto ng mina sa isla ng Homonhon.

Anonymous,  October 14, 2012 at 2:11 PM  

.......wow.. its really a paradise...

Anonymous,  June 29, 2013 at 2:21 PM  

pwd po kaung mag past ng tula about sa linggo ng wika na kaya ng Grade- I pupils? thanks po

Anonymous,  July 10, 2013 at 9:22 PM  

ang ganda ng tula gusto kong makarating doon

natymartinez July 14, 2013 at 2:08 PM  

Yes,Homonhon island is really a paradise but due to chromite mining that's going on in the island I doubt if we can still call it paradise if the mining won't stop. The mountains are already greatly devastated.

Anonymous,  July 16, 2013 at 6:58 AM  

It's Awesome. Two Thumbs up for the writer.

Anonymous,  July 20, 2013 at 8:27 PM  

Maganda bang pumunta jan sasama ko kung libre ang pamasah(jv pogi po )(#18)

Anonymous,  August 18, 2013 at 3:38 PM  

NAWAWALA NA ANG KAGANDAHANG TAGLAY NG ATING KALIKASAN NA IPINAMANA PA SA ATIN NG ATING MGA NINUNO

Anonymous,  September 28, 2013 at 9:48 AM  

Its..really nice tula at ang ganda ng iland..

Unknown October 3, 2013 at 3:43 PM  

napaka-gandang tulang aking nabasa.
tagos sa puso kong nagdurusa..

Unknown October 3, 2013 at 3:46 PM  

Kaygandang tulang aking nabasa,
tila bagang puso ko'y nagdurusa.
Sapagka't kalikasan nating kayganda,
ngayon ay wasak na.

natymartinez December 11, 2013 at 8:15 AM  

Maraming salamat Melody Pearl Pinat at nagustuhan mo ang sinulat kong tula.

Anonymous,  January 28, 2014 at 10:39 AM  

Pwd ko pobang kopyain? May homework po ksi kmi eh :)

Anonymous,  March 5, 2014 at 1:40 PM  

Beautiful.

Anonymous,  June 16, 2014 at 3:40 PM  

ganda ng common island

Anonymous,  June 16, 2014 at 3:41 PM  

ganda ng common island




Anonymous,  August 25, 2014 at 2:00 PM  

Ang ganda po talaga ng lugar na yan. Minsan lng aq nakapunta jan at ang sarap balik balikan. Sana lng po mareserve ang kagandahan nya 4ever at indi masira ng mga taong gahaman sa mina.

Anonymous,  August 25, 2014 at 2:00 PM  

Ang ganda po talaga ng lugar na yan. Minsan lng aq nakapunta jan at ang sarap balik balikan. Sana lng po mareserve ang kagandahan nya 4ever at indi masira ng mga taong gahaman sa mina.

Post a Comment

    ©   Halimbawa ng mga Tagalog na Tula All Rights Reserved 2009

Back to TOP