Limang 5 Saknong
Halimbawa ng tagalog na tula tungkol sa panalangin na may (5) limang saknong. Binubuo ng 12 labingdalawang pantig sa bawat taludtod.
![]() |
| Kailan tinatanggap ang iyong panalangin? |
ni: Kiko Manalo
Luha ang kalsada na dinaraanan,
Ng taong nagluhod sa dinarasalan,
Ito ang hihirang sa kapatawaran,
Upang ang dalangi’y bigyang-katuparan.
Ibig kaawaan, siya’y patawarin,
Sumpa at pangako ay sunud-sunod rin,
Luhod na lalakad at mananalangin,
Na wari’y may hapis ang diwa’t damdamin.
Sinasamantala ng taong baluktot,
Sa pagkakasala’y natila malungkot,
Ngunit katunayan sa puso at loob,
Naghari ang bangis at asal na buktot.
Nagtuos ng buti sa Poong Bathala,
Ang hangad sa kapwa’y kunwaring dakila,
Ngunit sa totoo’y walang pagkalinga,
Ang puso ay ganid, sakim itong diwa!
Luha’y ginagamit sa buti at sama,
Kasamang lumakad ng lungkot at tuwa,
Sa lubhang panganib, makaliligtas ba
Kung mananalangin sa ngalan ng luha?
(likod-bahay 2012)
SA NGALAN NG LUHA – tula ni Kiko Manalo – halimbawa ng tula na tungkol sa panalangin.
Iba Pang Tagalog na Tula ni Kiko Manalo
1. Rosas - tula para sa kaarawan ng isang ina
2. Sintang Pagkakaisa - isang tulang tagalog tungkol sa Pilipinas

10 comments:
isang napakagandang tula..:)
pangit
oh may goodness ang ganda kaya ung nagsav nga pagit cguro ikw ayy pangit .. hehe
nice
maganda at chouyax
nice :) ito na lng tutulain ko sa project nmin sa filipino :)
I like it its realy good....
ok lang...
>31<
ok lang...
>31<
ayos naman ahh...
Post a Comment