Halimbawa ng Malayang Tula at Taludturan
Malayang Taludturan
Pansit Image Credit: http://lafang.mikemina.com/2005/11/26/lasang-pinoy-4-pancit-guisado/ |
Tagalog na Tula - Pansit Na Mahaba
ni: JML
Kung itakda man ng kung sino
Ang itatagal ng buhay ko,
Isang buwan at eksakto,
Walang labis o diskuwento,
Ang lahat ng pansit,
Sa restawran ng Instsik,
Lalantakan ko ng mabilis,
At hihintayin kung epektib
Na ang spaghetti at canton,
Saka pansit Malabon,
At pers klas na bihon
Ay pampahaba daw ng panahon.
Aba, kung pati na ang Viagra
Ay ganu’n ding nakakapagpahaba,
Sampu ang lulunukin ko kapagdaka
Kaipala’y tsumatsamba,
Na madagdagan pa
Kahit isang segundong hininga
Ang puso kong giba-giba.
Ang buhay kong sira-sira…
Sige, isasalalay ko ang buhay,
Sa kasabihang sumasablay,
Bakasakaling magtagumpay,
At hinding-hindi maglubay.
Igagawa ang mga palad,
At isisikad ko ang pakpak,
Upang makasinghap,
Ng kapiraso pang sarap...
Ngunit ‘yan naman ay “kung lamang”
Na mawala ako sa sarili ko’t mabuwang,
Sa loob ng saktong isang buwan
Sa pagitan ng buhay ko’t kamatayan.
Kaya nga iiwas-pusoy na magkasala
Ipananatili pa ring nakatingala,
Sa itaas nitong lupa,
Ang puso ko at unawa,
'Pagkat alam kong may higit na dakila
Kaysa sa pansit na mahaba...
Previous Posts:
• Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas
• Malayang Taludturan
• Tula sa Tuluyan
5 comments:
ang haba!@@@!!!
malayang tula pls.
Potek na tula yan . May kabastusan .. Ewan .. xD :">
grave,nakaka2wa naman
medyo maganda
Post a Comment