Filipino Poem na Pambata Grade 1 to Grade 6
Halimbawa ng tula na may anim na taludtod (linya) sa bawat saknong.
Sa Aking mga Magulang
ni: Jerome Apilla
Kayo ang dahilan ng aking hininga
Ako ay nabuo sa inyong kalinga,
Pag-ibig na wagas, totoo’t dakila,
Ang siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla
Hinubog ang aking damdamin at diwa,
Kasama ko kayo sa ngiti ko’t luha.
Sa aking pagtulog sa gabing madilim,
Nagbabantay kayo hanggang sa mahimbing,
Hindi hahayaang lamok ay kagatin,
Pati na ang init, pilit papawiin,
At kung ako ma’y tuluyang magising,
Nakangiti kayong sasalubong sa akin.
Hindi nga maliit ang sakripisyo n’yo.
Simula nang ako’y maging isang tao,
Kaya naman ako’y may mga pangako
Mga utos at hiling ay susundin ko,
Igagalang kayo at irerespeto,
At mamahalin sa buong buhay ko!
Isang Tulang Pambata
Grade 1 to Grade 6
Iba pang Tulang Pambata
• Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas

15 comments:
salamat po sa paggawa neto napakaganda po
Wow! ito ang kailangan ko
HAHAHA! SALamat tlga..
pa copy. hehe :)GOD BLESS YOU!
SalmanerZz!!
galing ng gumawa..
thanks sa ginawa mong tula hah?? pacopy hah?hehe.
thank u sa poem, ah ? nakabigay din ng ideya..
sa wakas nka-hanap din.
ANG GANDA
magaling mayroon na akong ma copy na tula maraming salamat
Nice nkktouch nmn namimis q 2loy mga parents q...,ang gling nya.god blez po....
hay salamat meron na rin akong ass.
tnx sa poem
tnx sa poem
Maraming salamat sa iyong munting tula, nawa'y ika'y maging isang tanyag at dakilang makata; Mula sa isang magulang, ang katha mong ito'y nagdulot ng kaligayahan, gayu-on din kung ihahandog ko sa aking mahal na biyenan (sa kanyang ika-pitong'put limang ka-araawan).
thanks sa tula na ginawa mo. kailangan namin ito sa project namin. copy po ako ha? salamat. God bles you.
Post a Comment