Isang Tula sa Kasalukuyan
Alitaptap |
ni: JML
Aaminin ko ba kung may kahinaan,
Sino ka nga ba para pag-aksayahan,
At kung mayroon man nitong kalakasan,
Ano ba ang silbi sa ‘yong kapalaran?
Pag-uusapan lang, 'di naman diringgin,
Sapagkat ikaw man ay isang tuldok rin,
Sa lubak na ito’y lahat mga puwing
Alikabok tayong balik at naggaling!
Sa gitna ng guhit - ay naroon ako,
Pagkat walang pusong nagwikang totoo,
Akin mang ibulong, tunay' balatkayo,
Malasakit mo ay tiyak na naglaho!
At kung ilahad ko itong aking kislap,
Na ang aking puwet, tila alitaptap,
Ano’ng mahihita’t ano’ng makakalap,
Hindi ba libakin ang yabang ko’t siklab?
Sadyang walang tuwid sa lupang daigdig,
Kaunti lang itong nagmamalasakit,
Kung mayroon namang lubos ang pagkapit,
Ito’y mawawala kung danas ng sakit!
Ililihim na lang hanggang sa maglaon
Isisinungaling, ipakababaon,
Ililikod na lang itong mga layon,
Upang manatili doon sa kahapon.
Dito matatalos itong` kalahatan,
Ng misteryo nitong luha’t panambitan,
Ang hina ko’y isang kasinungalingan,
Pag-amin sa sala ang lakas ko naman!
• Tula sa Diyos
• Maikling Tulang Pilipino
• Malayang Taludturan
• Haiku
1 comments:
thnz
Post a Comment