Welcome to Halimbawa ng mga Tagalog na Tula!

Ang blogsite na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng mga tagalog na tula ng aming mga kaibigan. Maraming salamat sa pagbisita at sana'y naging makabuluhan ang inyong pagdalaw.
Notice:

Please see our SITEMAP to browse all tagalog poems and their respective authors/contributors. Thank you!

SHARE THIS!

Monday, August 1, 2011

Tula Para sa Kaarawan ng Isang Ina

Halimbawa ng mga Tagalog na Tula 


Rosas

Rosas
ni: Kiko T. Manalo

Kung ang pag-uusap ay mga kulayan,
Malapit sa pula ang paglalarawan,
Bagaman mabini ang pagkakakinang
Siyang kinahilig ng kadalagahan.

Ang rosas na kulay ay lamyos ng lambing
Na sa wari’y putla ng dugong mahinhin.
Ang tela ng blusa na anyong bibilhin,
Ang kulay na ito’y siyang pipiliin.

Pagkat paniwala na ito’y anino,
Ng pagkababae pati pagkatao,
At siyang pangulo nitong mga baro,
Pati nga panloob o maski na panyo.

Kung bulaklak naman ang pag-uusapan
Ang rosas ay lutang itong kahinhinan,
Ngunit mag-iingat may tinik din naman,
Sa mga panganib ay kanyang panlaban.

Bigyan ang dalaga ng mga bulaklak
Na tulad ng rosas kasama ang liyag,
Ang sagot na oo ay iyong matitiyak,
Na makukuha mo’t mapapasapalad.

Mapasabulaklak o mapakulay man,
Itinatangi ng maraming nilalang
Kahit na ihanay ang ibang kulayan
Ang rosas ang gandang katangian.

Ngunit bukod-tangi itong aking rosas,
Na pinaghugutan ko ng buhay kong hiyas,
Sa kanya inutang ang mga lumipas,
Nang ako’y musmos pa’t walang nilalandas.

Siyang nag-aruga’t nagbigay ng malay,
Kumakandili ri’t laging gumagabay,
Ang ina ko ang aking bulaklak sa buhay
Si Aling Rosas na - ilaw ko at kulay!

Maikling Tagalog na Tula
• Tagalog na Tula Tungkol sa Relihiyon
• Tula para sa mga Pinoy

5 comments:

abegail January 24, 2013 at 5:29 PM  

dedidated..........................................................................................................................................................................................................................................................

Anonymous,  January 6, 2014 at 11:19 PM  

ano daw? dedidated XD hahaha joke peace :)

Anonymous,  July 9, 2014 at 9:41 AM  

Hanu daw

Unknown August 4, 2014 at 1:57 PM  

ahhhhhhhhhhhhhhh............ang lambing <3

Anonymous,  October 2, 2014 at 1:12 PM  

What?? Wala akong naintindihan

Post a Comment

    ©   Halimbawa ng mga Tagalog na Tula All Rights Reserved 2009

Back to TOP