Isla ng Homonhon - Isang Tulang Pasalaysay
Halimbawa ng isang Tulang Nagsasalaysay ng isang Panaginip
Panaginip Lang Pala
ni: Naty Martinez
Sa aking pagkakasandal sa lilim ng punong mangga
Matamang pinagmamasdan alapaap na kay ganda
Mga ibong lumilipad dumadapo kapagdaka
Sabay huni na tila ba sinasabing " kumusta ka?"
Sa huni ng mga ibong tila baga kumakanta
Di ko mapigil ang antok di naglao'y naidlip na
Nanaginip kapagdaka sa isang isla napunta
Homonhon ay narating ko kay lapit lang naman pala !
Anong laking pagtataka pagdaong ng sinakyan ko
Ibang-iba na nga pala isla na sinilangan ko
Bahayan na ang baybayin kay dami ng mga tao
Ngunit wala ng kilala paano na kaya ako?
Bahay na kinalakihan hinanap ko agad-agad
Upang doon ay mapawi pananabik sa kausap
Nguni't di ko akalaing ako pala'y magugulat
Pagka't wasak na nga pala ang bahay na hinahanap.
Sa likuran ng bahay ay may hardin din ako dati
Nakaharap sa dagat at ang bulaklak ay kay dami
May kubo na pahingahan naka-upo dun parati
Habang pinagmamasdan ang mga along malalaki.
Nakakalungkot isipin pagdalaw ay naunsiyami
Ang luha ko ay nangilid pumatak na unti-unti
Para akong basang-sisiw nakasandal humihikbi
bigla akong ginising ng asawa kong nakangiti.
Panaginip lamang pala sayang naman ang luha ko
Sana naman pag-uwi ko saya naman ang matamo
Sana'y 'wag lang panaginip bakasyon na pangarap ko
Sa Homonhong minamahal ganda'y tila paraiso !!!!!!!!!!!
Iba pang Tula ni Naty Martinez:
• Isla ng Homonhon
• Buhay sa Piling ng Lolo at Lola
4 comments:
hello can i use your poem for a comic making project it's really nice
@Cole Cruz,sorry I was unable to read your message last August. If you wish you can use any of my poems especially when it comes to your project in school. Thanks for reading my poem.
Isa po ba itong halimbawa ng tradisyunal na tula?
isa po ba itong halimbawa ng tulang tradisyunal
Post a Comment