Tula para sa mga Dalaga
Isang Bukas na Payo para sa mga Umiibig at Magmamahal na Dalaga
Simsim
ni: Tess C. Alikpala
Aabutin,
Kukunin,
Susungkitin,
Lahat ng mga bituin.
Lalanguyin,
Tatawirin,
Sisisirin,
Dagat na malalalim.
Aakyatin,
Aarukin,
Gagapangin,
Mga bulubundukin.
Kakalabanin,
Aawayin,
Tatalunin,
Sibat na matatalim.
--------
Iyan,
Ganyan,
Lahat iyan,
Mga sumpa ng kabinataan.
Pangako,
Deboto,
Respeto,
Ng mga baguntao.
Upang,
Para,
Kaipala’y,
Mapasakamay ang dalaga.
Gaga,
Tanga,
Luka-luka,
Ang AGAD na maniniwala!
Isipin,
Dibdibin,
Damdamin,
Ang totoong layunin.
Nang,
Upang,
Malamang
Hindi lahat ng kumikinang
Ay gintong kayamanan!
Iba pang Tula ng May-akda:
Tagalog na Tula Tungkol sa Kabataan
Si Matandang Simeon
3 comments:
nice one..thank you for posting..
Nice:))
Nice 1:))
Post a Comment