Inspirasyon at Pagiging Makadiyos
Halimbawa ng Inspirasyon na Tula
Sa Diyos na Buhay
ni: Ariana Trinidad
(poem edited by: Kiko Manalo)
1
Ipaubaya mo sa palad ng Poon,
Itangis sa Taas at doon ituon,
At galit sa dibdib kagyat na itapon,
Upang sa daigdig ikaw ay maglaon!
2
Dalangin na sana'y iyo nang makita,
Buting nilalayon ng lalong Dakila,
Tumingalang dagli doon sa Bathala
Upang matukoy na ang tunay na nasa.
3
Hindi ito dapat - pakinggan lamang,
Dapat ay dinggin din hanggang walang hanggan,
Tinig na nagbuhat doon sa ulapan,
Ikabig sa dibdib, itibok din naman!
4
Kung sa pangangarap sa dilim ng gabi,
Tinanong mo na nga ang ibig isabi,
Tinig na nagbangon sa mga sandali,
Ay ang gabay mo sa mundong may imbi!
5
Itanong ang daing sa Mahal na Poon,
Kung sa diwa ay may tandang pananong,
Makikitang dagling hindi maglalaon
Ang sagot na ibig sa madaling panahon.
6
Aalagaan ka, kapag ika'y nanalig,
Kahit sinong kalaban iyong madadaig,
Sa Itaas ibigay, pagsamba't pag-ibig,
Kaligtasan ang bigay na premyong kapalit!
Other Example of Filipino Poems
• Tagalog na Tula Tungkol sa Relihiyon
• Tula na Tungkol sa Pasasalamat sa Diyos
• Ikaw, Ako at ang Tula
0 comments:
Post a Comment