Welcome to Halimbawa ng mga Tagalog na Tula!

Ang blogsite na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng mga tagalog na tula ng aming mga kaibigan. Maraming salamat sa pagbisita at sana'y naging makabuluhan ang inyong pagdalaw.
Notice:

Please see our SITEMAP to browse all tagalog poems and their respective authors/contributors. Thank you!

SHARE THIS!

Thursday, December 6, 2012

Example ng Tula Tungkol sa Pulitika sa Pilipinas

Halimbawa Ng Tula Na Walang Sukat

Bumoto ng Tama


Bulag Ka, Juan
ni: Ariana Trinidad

Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.

Sa eleksyon lang nakita,
Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.

Tahimik sa buong taon
Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.

Ang bulsa ng pagkatao
Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.

Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.

Bundat ang bulsikot
Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.

Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.

Ang hahatol ay bulag
Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.

Kailan ititigil ni Juan
Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
At roleta ng kasakiman?

(daang-bukid 2012)

BULAG KA, JUAN- tula ni Ariana Trinidad - halimbawa ng tagalog na tula na walang sukat.

Read more...

Monday, September 3, 2012

Tula Tungkol sa Pangarap

Tagalog na Tula sa Malayang Taludturan

Hindi Kami

Image Credit

Ang Aking Pangarap
ni: Kiko Manalo

Pangarap kong magbakasyon
Kapiling ang hanging Habagat
At kami’y maglilimayon
Sa mga ilog at dagat.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na hindi galing sa atin ang basura,
Na naglutang sa dalampasigan.
Ng Kamaynilaan.

Sa lungsod ko siya igagala
Doon sa nilalakaran ng rodilyo
At sa gilid ay nagtayo
Ang mga pabrika ng bata.

Ipagmamalaki ko sa kanya,
Na ang mga nakatira
Ay hindi nagtatapon ng basura
Sa mga kanal at kalsada.

Ililigid ko siya nang masigla
Sa mga bundok at gubat,
Na ginawang pugad
Ng mga tumakas sa siyudad.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na ang mga punong matatayog,
Na pinutol at nililok
Ay naging santong bantayog!

Upang siya’y malibang
Makapag-unwind, ma-relax,
At hindi na makapaminsala
Sa bayan kong Pilipinas!

Ito ang aking pangarap.

-(likod-bahay 2012)

Ang Aking Pangarap – tula ni Kiko Manalo – sample ng tula tungkol sa pangarap.

Mga Tula ni Kiko Manalo: sa tulong ni Mark Belmonte

Silang MapapaladTula Tungkol sa mga Mag-aaral
Sa Ngalan ng Luha Tula na may Limang (5) Saknong

Read more...

Thursday, August 23, 2012

Tula Tungkol sa mga Mag-aaral

Halimbawa ng Tula Tungkol sa mga Mag-aaral

Gusto mo bang maging mapalad?

Image:  Talakayan at Kalusugan

Silang Mapapalad
ni: Kiko Manalo

Mapapalad ang mga walang pangarap
Dahil hindi nila kailangang hagilapin,
Ang mga “x” ni Math
Na kaytagal nang hinahanap
Hindi pa rin mahagilap.

Mapalad ang mga walang pangarap,
‘Pagkat hindi nila kailangang sagutan
Kung ano ang kahulugan
Ng Statistics at Trigo
Sa buhay ng tao.

Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang magpasya,
Kung ano ang pipiliin
Aklat ba o DOTA,
Facebook ba o Algebra.

Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang magpumilit,
Na magsalita ng English,
At dila’y mamilipit
Kapag kausap si Masungit.

Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang pag-aralan,
Ang mga bayani ng bayan
At magkakasalungat na istorya,
Sa libro ng akademya.

Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang mamalimos,
Ng mga uno at dos,
Sa ilang gurong nakasentro
Sa pagtitinda ng tocino.

Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang mag-imbento
Ng matataas na grado,
Sa nanay at tatay,
Na umaasang ang buhay,
Ay maiaahon ng mahinusay...

Silang mapapalad...

(likod-bahay 2012)

Silang Mapapalad – tula ni Kiko Manalotagalog na tula tungkol sa mga mag-aaral.

Iba Pang Tula ni Kiko Manalo

• Kuntento – Malayang Tagalog na Tula
• Sa Ngalan ng Luha – Limang 5 Saknong na Tula

Read more...

Tuesday, August 21, 2012

Short Tagalog Love Poems

Halimbawa ng mga Short Tagalog Love Poems

Short Tagalog Quotes
Short Tagalog Love Poems
ni: Sweet Lapuz

-

Ang iyong pag-ibig ay sapat na yaman,
Walang hahanapin, hindi magkukulang,
Pag-ibig mong lukso sa dibdib ko’t laman
Ay iingatan ko hanggang kamatayan!

-

Ikaw lamang itong pakamamahalin,
Ang mga mata ko’y sa iyo lang ititingin,
Hanggang kahit pa magkaduling-duling,
Ikaw lamang, Mahal, ang s’yang iibigin!

-

Hindi papayagan na bigla kang mawala,
Sapagkat ang puso ay dugtong na kusa,
Ang hinga at pintig nitong kaluluwa
Ay nasa puso mong ganap at dakila.

-

Ang saya at ngiti nitong mga labi,
Ay wangis ng tala sa dilim ng gabi
Mag-aalis ngayon sa lalong madali
Ng luha at pait na ibig maghari!

-

Sa igsing sandali ng pagbuhos-ulan,
Ampiyas kang lukso sa kabintanaan,
Sumusuhay kang lagi sa durungawan,
At nakilaro ka’t nakipaghabulan.

(kayod-kalabaw 2012)

Short Tagalog Love Poems – mga katha ni Sweet Lapuz – halimbawa ng mga maikling tula – isang saknong.

Iba pang tula ni Sweet Lapuz:

1. Ikaw - Tagalog Love Poems
2. O, Pag-ibigTula tungkol sa Pag-ibig

Read more...

Sunday, August 19, 2012

Tagalog Love Poem

Example of Filipino Love Poem

Ikaw ang Pag-ibig
Ikaw
ni: Sweet Lapuz

Ang iyong mga daliri
Ang siyang sumusulsi
Sa napunit na nilupi
Ng damdamin kong tiwali!

Sa masamang bumaliti
At sa daigdig na imbi
Ang kamay mong mapagtimpi
Ang ibig kong kumakanti.

Palad mong may kandili
Sa lahat ng sumasapi,
Ang tunay na nagwawagi,
Na wika kong sinasabi.

At ang bisig ng punyagi,
Na nagbibigay ng lunti,
Ay hinding-hinding-hindi
Hindi ko maisasaisantabi.

Mag-ingat nawang mabuti
At manalanging matindi,
Upang Gabay ay mangyari,
Sa kaluluwa mo ay pumuri!

(kayod-kalabaw 2012)

Ikaw – tula ni Sweet Lapuztagalog love poem

Iba pang Tagalog na Tula ni Sweet Lapuz

1. Si Ana Manila ng LansanganTula sa Filipino
2. O, Pag-ibigTula Tungkol sa Pag-ibig

Read more...

Tuesday, August 14, 2012

Limang 5 Saknong

Halimbawa ng tagalog na tula tungkol sa panalangin na may (5) limang saknong. Binubuo ng 12 labingdalawang pantig sa bawat taludtod.

Kailan tinatanggap ang iyong panalangin?
Sa Ngalan ng Luha
ni: Kiko Manalo

Luha ang kalsada na dinaraanan,
Ng taong nagluhod sa dinarasalan,
Ito ang hihirang sa kapatawaran,
Upang ang dalangi’y bigyang-katuparan.

Ibig kaawaan, siya’y patawarin,
Sumpa at pangako ay sunud-sunod rin,
Luhod na lalakad at mananalangin,
Na wari’y may hapis ang diwa’t damdamin.

Sinasamantala ng taong baluktot,
Sa pagkakasala’y natila malungkot,
Ngunit katunayan sa puso at loob,
Naghari ang bangis at asal na buktot.

Nagtuos ng buti sa Poong Bathala,
Ang hangad sa kapwa’y kunwaring dakila,
Ngunit sa totoo’y walang pagkalinga,
Ang puso ay ganid, sakim itong diwa!

Luha’y ginagamit sa buti at sama,
Kasamang lumakad ng lungkot at tuwa,
Sa lubhang panganib, makaliligtas ba
Kung mananalangin sa ngalan ng luha?

(likod-bahay 2012)

SA NGALAN NG LUHAtula ni Kiko Manalo – halimbawa ng tula na tungkol sa panalangin.

Iba Pang Tagalog na Tula ni Kiko Manalo

1. Rosas - tula para sa kaarawan ng isang ina
2. Sintang Pagkakaisa - isang tulang tagalog tungkol sa Pilipinas

Read more...

Monday, August 13, 2012

Tula Tungkol sa Bagyo

Isang halimbawa ng tagalog na tula tungkol sa bagyo at kalamidad na may 8 pantig sa bawat taludtod.

Image: cltv36.com

Kahit
ni: Ariana Trinidad

Binagyo ang Pilipinas
      kahit wala namang bagyo!
Umikot ang mga tubig
      kahit hindi naman trumpo!
Lumutang ang mga bahay
      kahit hindi naman barko!
Natumba ang mga puno
      kahit hindi naman lumpo!

May nagsabing apektado
      kahit hindi naman sila!
Lumikas din ang marami
      kahit hindi naman baha!
Humingi pa ng abuloy
      kahit hindi naman luksa!
Sinisi pa ang gobyerno
      kahit hindi naman gawa!

Bayani ay naglitawan
      kahit hindi naman Rizal!
Dagsa ang nagsitulong
      kahit hindi naman kawal!
At naging madasalin
      kahit hindi naman banal!
Nagwika ng panalangin
      kahit hindi naman dasal!

(daang-bukid 2012)

KAHIT - tula ni Ariana Trinidad - halimbawa ng tagalog na tula tungkol sa bagyo.
-

Read more...

Thursday, August 9, 2012

Tugma na Lalabindalawahin (12) ang Sukat

Tugma na Lalabindalawahin (12) ang Sukat Tungkol sa Pagtitiwala. Halimbawa ng Maiksing Tula

May hangganan din ang pagtitiwala.
 reluctantxtian.wordpress.com 
Pagtitiwala
Ni: Tess C. Alikpala

Ang pagtitiwala'y mayroong hangganan,
Gaya din ng alon sa dalampasigan,
Dapat na harangin nitong kapatagan,
Nang maibsan nga itong kalakasan.

Dahil nakawawasak ng buhay at tao,
Kung dibdib ay hulog sa pakikitungo,
Dapat na palaging ituon ang wisyo,
Sa paligid na imbi at sama ng mundo.

Kung ang tiwala ay dagling ibibigay,
Baka mapahamak sa daan ng buhay,
Ang masasalubong titigan ng tunay,
Upang makilala kung ano ang kulay!

(luksong-tinik 2012)

Pagtitiwala - tula ni Tess C. Alikpala - halimbawa ng tula tungkol sa pagtitiwala.

Iba pang tagalog na tula ni Tess C. Alikpala

1. Simsim - tula para sa mga dalaga

Read more...

Monday, August 6, 2012

Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma

CHAMPOY
ni: JML

Kay ubod ng pakla ang saging-latundan
At may tamis naman ang atis at pakwan
Mapapangiwi ka sa pait na lulan,
Nitong ampalayang may bangis ng tapang!

Sa anghang ng siling kay pula ng kulay,
May singkamas namang matabang ang bigay,
Asin sa takuyan na alat ang taglay,
Ay hindi mawari ang lukso ng laway!

May asim ang ngiwi ng manggang Zambales,
At sa naglilihi’y tiyak ang pagnais,
Sa hilong talilong ng alak at kalis
Ampiyas sa sikmura nitong magbabarik.

Kung ako nga lamang itong magbibida,
Sa lahat ng lasang nag-alpas sa dila,
Ang pinakaibig na dapong dakila,
Ay ang pinaghalong linamnam na lasa.

Champoy na naglagkit sa tamis at alat,
May asim din’t pait na magiging galak!
At sa kanyang anghang at tama ng alak!
Ang kinang na champoy ang siyang katapat!

Si ______________, ganyan ang katulad,
Pinaghalu-halo ang lasa ng lahat,
Kaloob ng TAAS at Poong laganap
Ay naglulumukso ang dulot na sarap!

Ang angking katamisan ng pagkatao niya,
Ay tila sa pulot, malapot ang timpla,
Sa pait na lakas ng damhing inuuna
Puso sa pamilya at pati sa kapwa!

Matabang sa sama at sa kaliluhan,
At nangag-aayaw sa away at laban,
Ngunit kung maapi’t siya’y madungisan,
Sigurado ang anghang na walang atrasan!

At pinakalangit na ibig makamtan
Ay ang pagsinta at kaliwanagan,
May asim pa rin ang lupang katawan,
Na didilaan ko’t saka lalawayan!

Binubuo ng labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod at apat (4) na taludtod sa bawat isang saknong. Ang tulang ito ay ginawa para sa isang patimpalak (contest) at nanalo ng ikalawang gantimpala.

Ibang Tula:

Isang Tula na Nagbibigay ng Aral

Photo Credit: http://myfoodfoodfood.blogspot.com/

Read more...

Friday, August 3, 2012

Halimbawa ng Malayang Taludturan

Tula sa Malayang Taludturan


Walang Awa
ni: Jerome Apilla

Wala kang awa,
Nakalupasay na,
Sinasapak mo pa,
Nakahandusay na,
Tinatapakan pa,
Binabayo ng walang habas
Sinisipa palabas!


Mag-isip ka naman
Kahit kapiranggot lang
Maawa ka naman,
Iyo nang tigilan
Lubayan,
Para makaahon
Hindi bumaon!

Tumutulo na ang dugo,
Labas ang bituka’t bungo
Iyo nang ihinto,
Ang pagkasiphayo
Kahit paano’y lumayo,
Hayaang mabuhay,
Mapawi ang lumbay!

Pag-umit sa yaman
Ng dakilang bayan,
Talagang garapalan,
Hindi mapigilan
Kawawa lang
Ang Pilipino
Tuliro, nagkakamot ng ulo.

Masang alipin
Kumilos ng magiting
Upang pagkagupiling
Sa kuko ng lawin
Matanggal at gumaling
Upang maabot
Ang tagumpay na bubot!

Tula sa Malayang Taludturan

Iba pang Halimbawa ng Tula sa Malayang Taludturan

Malayang Tagalog na Tula ng Isang Makata

Photo Credit: Quitting Alcohol Blog

Read more...

Wednesday, August 1, 2012

Tula na Walang Letter A

Halimbawa ng Tula na walang letrang A sa lahat ng saknong o taludtod.

Halimbawa ng Tagalog na Tula
Bugtong
ni: JML

Kung iisipin mo, ‘di pwedeng buuin,
Hindi pupuwede kung iyong limiin,
Itinuring ko noon, iniisip ko rin
Ngunit pinilit ko ring buklod-buklurin.

Hindi po tumigil itong inyong lingkod,
Pinilit binirit itong pitong bundok,
Hindi po sumuko, binti ko'y sumugod
Tinipon itong titik, hinuli’t nilugod.

Iginuhit dito ng dugo ko’t dibdib,
Puso ko po itong liksing sumisisid,
Sumirko, umikot itong hilong titig,
Ngunit ginugol ko - totoong isinulit!

Tungkol po dito -- bugtong ng ninuno,
Ibig kong isipin mo ng pitumpu't pitong punto
Litid ng leeg mo, pilipiting totoo
Pwede ring iuntog itong iyong ulo.

Kung itong bugtong ko, pwede mong hulihin,
Kuko o buhok ko, pwede mong putulin,
Sige, bilis, minu-minutong gugulin,
Sinupin itong titik, titig mo’y itingin!

Kung pagiispan mong mabuti ang Wikang Filipino, bihira lamang ang mga salitang walang titik A. Isang mapangahas na gawain ang sumubok na gumawa ng isang tula sa Filpino na walang letrang A.

Halimbawa ng tula na walang titik A.

Iba pang Halimbawa:

Mga Tula ng Pag-ibig

Read more...

Tuesday, July 31, 2012

Mga Tula ng Pag-ibig

Mga Halimbawa ng ula ng Pag-ibig - Isahang (1) Saknong Apat (4) na Taludtod


Mga Tula ng Pag-ibig

Pagpili

Ako’y gaya nga ng dalagang mahinhin,
Pili ng binatang aking iibigin,
Idurugtong ngayon sa puso’t damdamin,
Kasiping habang buhay magpahanggang libing!

Sintang Pag-ibig

Nadilaan ko ang lasa,
Nitong hain mong hinanda
Ang dibdib ko’y dumikta,
Na ito’y pag-ibig sa sinta.

Love Poem

Hindi mauubos ang tinig ng dibdib,
Kasama sa hinga nitong iyong bibig,
Kusang iluluwa sa lupang daigdig,
Kahit na ang tibok ay luhang pumintig!

Halika, Mahal Ko

Halika’t kumapit tayo’y maglalayag,
Sa mundong wala pang doo’y tumatapak,
Kumapit mabuti at tayo’y lilipad,
Sa langit ang tungo na magkaliyag.

Ngiti

Iyong mga ngiti ay lagi kong dala,
Sa gabi at araw, ako’y sumisigla,
At kung malungkot sa mga problema,
Hahagurin ng tingin ang mukhang maganda!

Huling Pag-ibig

Matatagpuan mo itong kayamanan,
Na bugsong lalaban sa kapighatian,
Ito ang gugupil sa imbing katiisan
Huling pag-ibig mo ay masusulyapan!

Pagmamahal


Magalak sa dusa’t ngitian ang luha,
Tamisan ang pait ng pangungulila,
Ang puso, kung tunay, wagas at dakila,
Maipalulutang ang bigat ng dala.

Dakilang Puso

Kukupas ang maong pati kansursilyo,
Hindi itong ganda ng labas mong anyo,
Ang loob na asal na gitna ng puso,
Ay yaman sa buhay ng kahit na sino!

Pinoy Love Poems

Maraming salamat, buhay ko't pag-ibig,
Ikaw ang dugo kong narito sa dibdib,
Kung hininga ko'y kagyat na mapatid,
Asahang lilingap kahit panaginip!

Mga Tula ng Pag-ibig

Read more...

    ©   Halimbawa ng mga Tagalog na Tula All Rights Reserved 2009

Back to TOP