Tagalog na Tula Tungkol sa Kabataan
Tula na May Tugma ngunit Walang Sukat
Isang halimbawa ng isang tula na may apat na taludtod sa bawat saknong. Malayang taludturan din maituturing sapagkat ang bawat taludtod ay sinadyang walang sukat ngunit matibay na nailahad ang ibig na sabihin ng makata. Ang tagalog ay mayaman sa mga salitang maaaring gamitin upang maiparating ng isang tao ang kanyang nasa sa loob ng mainam at nasa tugmang mga salita.
KABATAAN
ni: Tess C. Alikpala
(Ang kabataan niya ay halos ginugol sa pagsusulat ng tula at ngayon ay gumagawa pa rin ng paraan upang gumawa sa kabila ng kanyang mga trabaho at gawain bilang isang call center agent, isang kaibigan, isang ina at isang asawa.)Nakatunganga,
Nakatulala,
Nangangalumata,
May tamang hinala.
Nagmumuni-muni,
Wala naman sa sarili,
Tumatawa, tumitili,
Iiyak pa nang kaunti.
Nasa sulok,
Nagmumukmok,
Baril nakasuksok,
Maya-maya’y mag-aamok.
Nasirang bait,
Pagkatao ang kapalit,
Saka pumipilipit
Alipin ng lupit.
Hindi makatulog,
Walang antok,
Pagkat lugmok
Napakarupok.
Ginawang sandata
Ang bisyo at droga,
Walang pagsala
Buhay nasira.
Kawawa…
Nagpakasira…
Hindi pinagana…
Ang puso at diwa!
Paliwanag o Paglalarawan ng Tagalog na Tula:
Maraming kabataan ang naligaw ng landas at inilarawan sa mga saknong ng tagalog na tula ng ito. Inilahad ng makata ang kanyang obserbasyon sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon na nalulong sa iba’t ibang halimbawa ng mga bisyo at masasamang kaugalian. Read more...