Halimbawa ng Malayang Taludturan
Tula sa Malayang Taludturan
ni: Jerome Apilla
Wala kang awa,
Nakalupasay na,
Sinasapak mo pa,
Nakahandusay na,
Tinatapakan pa,
Binabayo ng walang habas
Sinisipa palabas!
Mag-isip ka naman
Kahit kapiranggot lang
Maawa ka naman,
Iyo nang tigilan
Lubayan,
Para makaahon
Hindi bumaon!
Tumutulo na ang dugo,
Labas ang bituka’t bungo
Iyo nang ihinto,
Ang pagkasiphayo
Kahit paano’y lumayo,
Hayaang mabuhay,
Mapawi ang lumbay!
Pag-umit sa yaman
Ng dakilang bayan,
Talagang garapalan,
Hindi mapigilan
Kawawa lang
Ang Pilipino
Tuliro, nagkakamot ng ulo.
Masang alipin
Kumilos ng magiting
Upang pagkagupiling
Sa kuko ng lawin
Matanggal at gumaling
Upang maabot
Ang tagumpay na bubot!
Tula sa Malayang Taludturan
Iba pang Halimbawa ng Tula sa Malayang Taludturan
Malayang Tagalog na Tula ng Isang Makata
Photo Credit: Quitting Alcohol Blog
2 comments:
wow huh
Ang paket naman 😝
Post a Comment