Tula Tungkol sa Bagyo
Isang halimbawa ng tagalog na tula tungkol sa bagyo at kalamidad na may 8 pantig sa bawat taludtod.
Image: cltv36.com |
Kahit
ni: Ariana Trinidad
Binagyo ang Pilipinas
kahit wala namang bagyo!
Umikot ang mga tubig
kahit hindi naman trumpo!
Lumutang ang mga bahay
kahit hindi naman barko!
Natumba ang mga puno
kahit hindi naman lumpo!
May nagsabing apektado
kahit hindi naman sila!
Lumikas din ang marami
kahit hindi naman baha!
Humingi pa ng abuloy
kahit hindi naman luksa!
Sinisi pa ang gobyerno
kahit hindi naman gawa!
Bayani ay naglitawan
kahit hindi naman Rizal!
Dagsa ang nagsitulong
kahit hindi naman kawal!
At naging madasalin
kahit hindi naman banal!
Nagwika ng panalangin
kahit hindi naman dasal!
(daang-bukid 2012)
KAHIT - tula ni Ariana Trinidad - halimbawa ng tagalog na tula tungkol sa bagyo.
-
4 comments:
hmmm.. like it
i too good i can understand my project in my school st. scholastica acadmy of marikina :)
Thank You ! :D Sawakas May Assignment Na Rin .
maaari ko pong ilagay ito sa learners materials para sa filipino grade 4 sa k to 12 para sa buong pilipinas
Post a Comment