Tula na Walang Letter A
Halimbawa ng Tula na walang letrang A sa lahat ng saknong o taludtod.
Halimbawa ng Tagalog na Tula |
ni: JML
Kung iisipin mo, ‘di pwedeng buuin,
Hindi pupuwede kung iyong limiin,
Itinuring ko noon, iniisip ko rin
Ngunit pinilit ko ring buklod-buklurin.
Hindi po tumigil itong inyong lingkod,
Pinilit binirit itong pitong bundok,
Hindi po sumuko, binti ko'y sumugod
Tinipon itong titik, hinuli’t nilugod.
Iginuhit dito ng dugo ko’t dibdib,
Puso ko po itong liksing sumisisid,
Sumirko, umikot itong hilong titig,
Ngunit ginugol ko - totoong isinulit!
Tungkol po dito -- bugtong ng ninuno,
Ibig kong isipin mo ng pitumpu't pitong punto
Litid ng leeg mo, pilipiting totoo
Pwede ring iuntog itong iyong ulo.
Kung itong bugtong ko, pwede mong hulihin,
Kuko o buhok ko, pwede mong putulin,
Sige, bilis, minu-minutong gugulin,
Sinupin itong titik, titig mo’y itingin!
Kung pagiispan mong mabuti ang Wikang Filipino, bihira lamang ang mga salitang walang titik A. Isang mapangahas na gawain ang sumubok na gumawa ng isang tula sa Filpino na walang letrang A.
Halimbawa ng tula na walang titik A.
Iba pang Halimbawa:
Mga Tula ng Pag-ibig
3 comments:
ganda ng pagkaayos ng mga salita sa tulang ito...5 stars
NICE
Wow galing....
Post a Comment