Welcome to Halimbawa ng mga Tagalog na Tula!

Ang blogsite na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng mga tagalog na tula ng aming mga kaibigan. Maraming salamat sa pagbisita at sana'y naging makabuluhan ang inyong pagdalaw.
Notice:

Please see our SITEMAP to browse all tagalog poems and their respective authors/contributors. Thank you!

SHARE THIS!

Wednesday, September 21, 2011

Isang Tula na Nagbibigay ng Aral



Ang Mabuting Aral
ni: Tess C. Alikpala

Ako’y nakabasa ng isang kaisipan,
Sa banal na aklat na kasulatan,
Ang nagpapakataas ay ilalaglag diyan
At ang mabababa’y itataas naman.

Huwag mong daanin sa boses na sigaw
Ang liwanag na gusto mong matanaw,
Baka maibulid ka ng mga alingawngaw,
At ng mga tinig na pumapaibabaw.

Isipin sa tuwina ang kalalabasan
Ng salita at tinig na ipadadaan,
Sapagkat malayo sa katotohanan,
Mga binigkas ay kasinungalingan.

Maging mapanuri sa buhay na ito,
Hindi laging tama ang mga nasa diyaryo,
Huwag maniniwala baka lang malito,
At mapapunta sa apoy ng impiyerno!

May ligayang hatid ang mga nababasa
Kung totoo at laging nasa tunay ang nasa,
Ngunit nakakatulig kung wala namang kwenta,
Puro paninira at laging disgrasya.

Salat sa unawa at katotohanan
Ang likhang-isip ay likhang garapalan,
Huwag gumamit ng ibang nilalang
Wala naman silang dito’y kinalaman.

Kung makakasagasa ng tao sa kalye,
Huwag nang ituloy, mga pasakalye,
Mabuti lang sana kung mga diskarte
Ang masasagasaan ay malagkit na tae.

Pero itong kaganapan ay nakasakit
Ng damdaming mainam dito sa malapit,
Kaya nag-alsa ang ugat sa leeg,
Wala kasi sa linya ang iyong mga hirit.

Sana’y magising at huwag pumalaboy,
Huwag maging hangal na tila sa baboy,
Dapat ay hindi na lamang itinuloy,
Ngayon lumabas ang pagiging abnoy.

Naging ganito rin ang naging kapalaran
Pero inamin ang mga kasalanan,
Kaya silang dati’y nagi kong kalaban,
Ngayon kami’y isa na nagmamahalan.

Kaya bukas sa iyong paggising,
Ang dasal ko at mga panalangin,
Magising kang tunay sa pagkakahimbing,
Huwag tumulad sa isang kambing!

Example ng Tagalog na Tula na Nagbibigay ng Aral at Payo

Iba pa:

Halimbawa ng Isang Malayang Tula
Tagalog na Tula sa Tuluyan

5 comments:

Anonymous,  July 27, 2012 at 5:09 PM  

AHAHAHAAH

Anonymous,  February 12, 2014 at 11:42 AM  

Sadyang magaling ang mga Pilipino, sapagkat kahit sino ay nakakpagsulat ng ibat-ibang tula tulad nito.

Anonymous,  August 29, 2014 at 3:32 PM  

Ang galing tlga maggawa ng tula ng mga pilipino

Anonymous,  September 7, 2014 at 8:14 PM  

just trust,love,and follow the lord...................................

Post a Comment

    ©   Halimbawa ng mga Tagalog na Tula All Rights Reserved 2009

Back to TOP