Welcome to Halimbawa ng mga Tagalog na Tula!

Ang blogsite na ito ay naglalaman ng mga halimbawa ng mga tagalog na tula ng aming mga kaibigan. Maraming salamat sa pagbisita at sana'y naging makabuluhan ang inyong pagdalaw.
Notice:

Please see our SITEMAP to browse all tagalog poems and their respective authors/contributors. Thank you!

SHARE THIS!

Monday, August 6, 2012

Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma

CHAMPOY
ni: JML

Kay ubod ng pakla ang saging-latundan
At may tamis naman ang atis at pakwan
Mapapangiwi ka sa pait na lulan,
Nitong ampalayang may bangis ng tapang!

Sa anghang ng siling kay pula ng kulay,
May singkamas namang matabang ang bigay,
Asin sa takuyan na alat ang taglay,
Ay hindi mawari ang lukso ng laway!

May asim ang ngiwi ng manggang Zambales,
At sa naglilihi’y tiyak ang pagnais,
Sa hilong talilong ng alak at kalis
Ampiyas sa sikmura nitong magbabarik.

Kung ako nga lamang itong magbibida,
Sa lahat ng lasang nag-alpas sa dila,
Ang pinakaibig na dapong dakila,
Ay ang pinaghalong linamnam na lasa.

Champoy na naglagkit sa tamis at alat,
May asim din’t pait na magiging galak!
At sa kanyang anghang at tama ng alak!
Ang kinang na champoy ang siyang katapat!

Si ______________, ganyan ang katulad,
Pinaghalu-halo ang lasa ng lahat,
Kaloob ng TAAS at Poong laganap
Ay naglulumukso ang dulot na sarap!

Ang angking katamisan ng pagkatao niya,
Ay tila sa pulot, malapot ang timpla,
Sa pait na lakas ng damhing inuuna
Puso sa pamilya at pati sa kapwa!

Matabang sa sama at sa kaliluhan,
At nangag-aayaw sa away at laban,
Ngunit kung maapi’t siya’y madungisan,
Sigurado ang anghang na walang atrasan!

At pinakalangit na ibig makamtan
Ay ang pagsinta at kaliwanagan,
May asim pa rin ang lupang katawan,
Na didilaan ko’t saka lalawayan!

Binubuo ng labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod at apat (4) na taludtod sa bawat isang saknong. Ang tulang ito ay ginawa para sa isang patimpalak (contest) at nanalo ng ikalawang gantimpala.

Ibang Tula:

Isang Tula na Nagbibigay ng Aral

Photo Credit: http://myfoodfoodfood.blogspot.com/

10 comments:

Anonymous,  August 7, 2012 at 11:49 AM  

gwa po kau ng tula na may sukat n 12... tula po sana na nag hihina.ing....

Anonymous,  December 12, 2012 at 8:13 PM  

grabe.......pero maganda naman.

Anonymous,  July 23, 2013 at 3:07 PM  

Galing

Parmis!!!

:D

Anonymous,  August 3, 2013 at 9:37 PM  

sana gumawa rin kayo tungkol sa buhay ng tao. . .

Unknown December 9, 2013 at 12:56 AM  

Pwede po kayo Gumawa ng Tula na may 4 na saknong at 8 taludtod?Please ....

Unknown December 9, 2013 at 12:59 AM  

Pwede po kayo gumawa ng tula na may 4 na saknong at walong taludtod,sobrang saya ko po kung nabasa nyo po ito,Maraming Salamt po

Anonymous,  September 6, 2014 at 9:53 AM  

Pwede po ba kayong gumawa ng tula na may sukat na walo (8).
Maraming salamat po.
More power.
Ang ganda ng inyong tula, paki-improvise lang po ng konte.
>\\\\<

Post a Comment

    ©   Halimbawa ng mga Tagalog na Tula All Rights Reserved 2009

Back to TOP