Example ng Tula Tungkol sa Pulitika sa Pilipinas
Halimbawa Ng Tula Na Walang Sukat
Bumoto ng Tama |
Bulag Ka, Juan
ni: Ariana Trinidad
Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.
Sa eleksyon lang nakita,
Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.
Tahimik sa buong taon
Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.
Ang bulsa ng pagkatao
Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.
Bundat ang bulsikot
Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.
Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.
Ang hahatol ay bulag
Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.
Kailan ititigil ni Juan
Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
At roleta ng kasakiman?
(daang-bukid 2012)
BULAG KA, JUAN- tula ni Ariana Trinidad - halimbawa ng tagalog na tula na walang sukat. Read more...