Tuesday, August 14, 2012

Limang 5 Saknong

Halimbawa ng tagalog na tula tungkol sa panalangin na may (5) limang saknong. Binubuo ng 12 labingdalawang pantig sa bawat taludtod.

Kailan tinatanggap ang iyong panalangin?
Sa Ngalan ng Luha
ni: Kiko Manalo

Luha ang kalsada na dinaraanan,
Ng taong nagluhod sa dinarasalan,
Ito ang hihirang sa kapatawaran,
Upang ang dalangi’y bigyang-katuparan.

Ibig kaawaan, siya’y patawarin,
Sumpa at pangako ay sunud-sunod rin,
Luhod na lalakad at mananalangin,
Na wari’y may hapis ang diwa’t damdamin.

Sinasamantala ng taong baluktot,
Sa pagkakasala’y natila malungkot,
Ngunit katunayan sa puso at loob,
Naghari ang bangis at asal na buktot.

Nagtuos ng buti sa Poong Bathala,
Ang hangad sa kapwa’y kunwaring dakila,
Ngunit sa totoo’y walang pagkalinga,
Ang puso ay ganid, sakim itong diwa!

Luha’y ginagamit sa buti at sama,
Kasamang lumakad ng lungkot at tuwa,
Sa lubhang panganib, makaliligtas ba
Kung mananalangin sa ngalan ng luha?

(likod-bahay 2012)

SA NGALAN NG LUHAtula ni Kiko Manalo – halimbawa ng tula na tungkol sa panalangin.

Iba Pang Tagalog na Tula ni Kiko Manalo

1. Rosas - tula para sa kaarawan ng isang ina
2. Sintang Pagkakaisa - isang tulang tagalog tungkol sa Pilipinas

47 comments:

  1. isang napakagandang tula..:)

    ReplyDelete
  2. oh may goodness ang ganda kaya ung nagsav nga pagit cguro ikw ayy pangit .. hehe

    ReplyDelete
  3. maganda at chouyax

    ReplyDelete
  4. nice :) ito na lng tutulain ko sa project nmin sa filipino :)

    ReplyDelete
  5. I like it its realy good....

    ReplyDelete
  6. ayos naman ahh...

    ReplyDelete
  7. pwede po ba kayong gumawa ng tula tungkol sa kasawian 2 saknong 4 na taludtod at 12 na pantig lang

    ReplyDelete
  8. sana po mapagbigyan nyo ako

    ReplyDelete
  9. ganda ah very appreciated

    ReplyDelete
  10. GOOD. VERY GOOD. ♥

    ReplyDelete
  11. maganda ! ang galing :)
    pwede sa assigment ko sa Filipino ^^

    ReplyDelete
  12. maganda ! ang galing :)
    pwede sa assigment ko sa Filipino ^^

    ReplyDelete
  13. ito nlng ang ilagay ko sa project ko hahaha.....

    ReplyDelete
  14. Na empress ako sa taulang yan. Ipagpatuloy mo lang yan. Keep it up

    ReplyDelete
  15. Nice! gagamitin ko to sa proyekto ko sa Filipino!

    ReplyDelete
  16. Nice!Ang ganda gagamitin kuh na to sa assignment ko sa filipino 3><^^

    ReplyDelete
  17. Nakakatouch naman po

    ReplyDelete
  18. ganda:D gamitin koto sa assigment sa pilipino

    ReplyDelete
  19. Yeah! Finally. thamk you sa gumawa :********

    ReplyDelete
  20. Mukhang ikaw lang ang magsasalita

    ReplyDelete
  21. Ganda ng tula... :D

    ReplyDelete
  22. nakakapag bigay linaw talaga sa mga taong na aalala lang ang nasa itaas kung ma problema na
    .. ganda po :)

    ReplyDelete
  23. maganda ang mensaha ng tula.

    ReplyDelete
  24. now i know!!!!!! oh my God nakakaharsh si shermae Rollan

    ReplyDelete
  25. sana po may action yung tula para sa filipino ko po :)

    ReplyDelete
  26. yes may project na ko sa filipino!

    ReplyDelete
  27. gawan nyo nga po ako project po namin eh.... quatrain at limang taludturan daw po pls sana po mapag big yan mo po ako pls pls pls

    ReplyDelete
  28. Gosh ang hirap gumawa ng tula na ganito kaganda...grabe ang galing mo po gumawa ng tula .akalain nio na sa bawat saknong at bawat taludtod ay may labindalawang pantig...saludo ako sau kabayan

    ReplyDelete