Monday, August 13, 2012

Tula Tungkol sa Bagyo

Isang halimbawa ng tagalog na tula tungkol sa bagyo at kalamidad na may 8 pantig sa bawat taludtod.

Image: cltv36.com

Kahit
ni: Ariana Trinidad

Binagyo ang Pilipinas
      kahit wala namang bagyo!
Umikot ang mga tubig
      kahit hindi naman trumpo!
Lumutang ang mga bahay
      kahit hindi naman barko!
Natumba ang mga puno
      kahit hindi naman lumpo!

May nagsabing apektado
      kahit hindi naman sila!
Lumikas din ang marami
      kahit hindi naman baha!
Humingi pa ng abuloy
      kahit hindi naman luksa!
Sinisi pa ang gobyerno
      kahit hindi naman gawa!

Bayani ay naglitawan
      kahit hindi naman Rizal!
Dagsa ang nagsitulong
      kahit hindi naman kawal!
At naging madasalin
      kahit hindi naman banal!
Nagwika ng panalangin
      kahit hindi naman dasal!

(daang-bukid 2012)

KAHIT - tula ni Ariana Trinidad - halimbawa ng tagalog na tula tungkol sa bagyo.
-

4 comments:

  1. i too good i can understand my project in my school st. scholastica acadmy of marikina :)

    ReplyDelete
  2. Thank You ! :D Sawakas May Assignment Na Rin .

    ReplyDelete
  3. maaari ko pong ilagay ito sa learners materials para sa filipino grade 4 sa k to 12 para sa buong pilipinas

    ReplyDelete