Tuesday, July 31, 2012

Mga Tula ng Pag-ibig

Mga Halimbawa ng ula ng Pag-ibig - Isahang (1) Saknong Apat (4) na Taludtod


Mga Tula ng Pag-ibig

Pagpili

Ako’y gaya nga ng dalagang mahinhin,
Pili ng binatang aking iibigin,
Idurugtong ngayon sa puso’t damdamin,
Kasiping habang buhay magpahanggang libing!

Sintang Pag-ibig

Nadilaan ko ang lasa,
Nitong hain mong hinanda
Ang dibdib ko’y dumikta,
Na ito’y pag-ibig sa sinta.

Love Poem

Hindi mauubos ang tinig ng dibdib,
Kasama sa hinga nitong iyong bibig,
Kusang iluluwa sa lupang daigdig,
Kahit na ang tibok ay luhang pumintig!

Halika, Mahal Ko

Halika’t kumapit tayo’y maglalayag,
Sa mundong wala pang doo’y tumatapak,
Kumapit mabuti at tayo’y lilipad,
Sa langit ang tungo na magkaliyag.

Ngiti

Iyong mga ngiti ay lagi kong dala,
Sa gabi at araw, ako’y sumisigla,
At kung malungkot sa mga problema,
Hahagurin ng tingin ang mukhang maganda!

Huling Pag-ibig

Matatagpuan mo itong kayamanan,
Na bugsong lalaban sa kapighatian,
Ito ang gugupil sa imbing katiisan
Huling pag-ibig mo ay masusulyapan!

Pagmamahal


Magalak sa dusa’t ngitian ang luha,
Tamisan ang pait ng pangungulila,
Ang puso, kung tunay, wagas at dakila,
Maipalulutang ang bigat ng dala.

Dakilang Puso

Kukupas ang maong pati kansursilyo,
Hindi itong ganda ng labas mong anyo,
Ang loob na asal na gitna ng puso,
Ay yaman sa buhay ng kahit na sino!

Pinoy Love Poems

Maraming salamat, buhay ko't pag-ibig,
Ikaw ang dugo kong narito sa dibdib,
Kung hininga ko'y kagyat na mapatid,
Asahang lilingap kahit panaginip!

Mga Tula ng Pag-ibig

19 comments:

  1. wow namn ganda nakaka in love hahahahaha love it

    ReplyDelete
  2. ok lng naman ung iba :)

    ReplyDelete
  3. hehe.. tNx xha tuLanG pag-ibig.. mAY natu2nan dn akuh xa tuLa nha 2. aMhft nAg-aAral xiak nha maging wriTers sa schoOl.. ayeEeHhHH

    ReplyDelete
  4. XnAA maDagdagan paH..

    ReplyDelete
  5. Galing nang tula

    Thangs Haaa..

    ReplyDelete
  6. soO nyc tlaga ang tula ng pag ibig...

    ReplyDelete
  7. ...whatever,,,,crush ko tlaga si chritian

    ReplyDelete
  8. Walang sukat at tugma

    ReplyDelete
  9. ^^
    SHUT UP! walang kinalaman chritian mo dito panget na man yun

    ReplyDelete
  10. Nakaka inlove nman to

    ReplyDelete
  11. Epifania Feliciana G. OgsimerFebruary 11, 2014 at 10:57 PM

    ANG GALING

    ReplyDelete
  12. Thanks dahil dito sa tula may nagawa akong project ko hahaha walang maisip kaya ito ang kinuha ko napakaganda po.....

    ReplyDelete
  13. dpt yung may 4 na saknong lang tapos may sukat tugma

    ReplyDelete
  14. nka relate ako sa tula n yan npkaganda

    ReplyDelete
  15. wala bang mas mahaba mga 5 na saknong tapos maganda ung meaning

    ReplyDelete